Nakakatuwang isipin na magiging mabait lang ang masasama kapag may kailangan.
Nagiging matino ang siraulo kapag naaagrabyado.
Nagiging matalino ang bobo kapag natuto.
Nagiging maganda ang tinaguriang pangit sa paningin ng mga tao kapag nasaktan.
Lahat naman nagbabago.
Lahat tumitino at mayroong...
Nagiging pariwara ang buhay na hindi nanaiisin ng kahit na sino.Lahat mapagkunwari
Lahat may itinatagong lihim
Lahat nasasaktan
Lahat sasabihing unfair ang buhay
Lahat nagagalit sa...
Kanya.Lahat tayo.
Syempre tao lang naman tayo at hindi kagaya niya na perpekto.
Kaya nga sabi ng ilan,
May dahilan kung bakit ang lapis ay may pambura.
May dahilan kung bakit ang pagkakamali natin ay napapatawad niya.Pero kailan kaya tayo titingin sa kabilang side?
Yung tayo naman ang...
Mali,
Nakakasakit,
Hindi nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng nangyayari sa ating maganda.
Nagkakaroon ng kasalanan,
At...
Wait, sandali lang.
Hindi ko na kasi mapangalanan ang ibang bagay na nagagawa nating hindi maganda sa kanya pero hindi nakikita ng karamihan.Huwag niyo naman sanang ugaliin na tatawag lang kayo sa oras ng kagipitan.
Hahanapin niyo lang siya kapag may masamang kaganapan.
At lalapitan niyo lang kapag alam niyong hindi niyo na kaya.
Perpekto siya OO,
Pero may pakiramdam rin naman.
Perpekto siya pero may puso,
Mahal niya tayo pero hindi bawat hiling mo ay mapagbibigyan niya.
Hindi lahat ng gusto mo ay tutuparin niya.Dahil kapag nangyari 'yon,
Hindi na magiging worth-it lahat ng paghihirap mo.
Hindi ka na tunay na magiging masaya dahil ang lahat ng gusto mo ay makukuha mo na lang ng ganon kadali.
Wala ng pagsisikap na mangyayari.
At higit sa lahat, kapag pinagbigyan ka niya.
MAWAWALAN NA NG KWENTA ANG BUHAY MO!
WALA NG PAGSISIKAP, PARANG ISANG ALIKABOK KA NA LANG NA WALA NG PATUTUNGUHAN.Ganyan ang halaga ng buhay.
Hindi siya unfair at hindi rin unfair ang buhay.
Nasa sa iyo na lang kung paano mo gagawing worth-it ang buhay mo.
Baka naman kasi hindi ka gumagawa ng paraan o baka ikaw na mismo ang tumutungo sa buhay na wala namang kwenta, walang halaga.
Tapos sisisihin mo siya?
Aba, idol na kita!Mahal niya tayo,
Pero wala siyang magagawa kung tatawagin mo lang siya kapag nasa panganib ka na.
Sana matuto ka munang tumawag bago ka gumawa ng pagkakamali.
Huwag mong sabihing unfair siya dahil una at huli sa lahat...Sa inyong dalawa, ikaw ang naging madaya!
BINABASA MO ANG
Voice It Out
PoetryMga tulang hindi batid kung saan nanggaling, Siguro sa malumot na utak ng may akda. Mga tulang hinugutan kung saan-saan. Mga tulang mabibighani ka kaya? Well let's see! (COMPLETED)