Kabanata 20

62.1K 2.6K 967
                                    

Rage

Halos hindi ako mapalagay nang gabi na 'yon. Hindi mawala sa isip ko ang narinig. Malalim kong pinag-isipan kaya naging mailap na sa akin ang pagtulog. Hindi ko alam kung paanong nalaman niya ang una kong pangalan. Pinakiramdaman ko sila Simon at Siana ngunit mukhang hindi nila 'yon napansin dahil abala ang ina sa pag-papaalala sa anak. Samantalang si Master ay dire-diretso nang umalis.

Now I'm wondering, paano niya nalaman? O baka naman, hindi sinasadya na nabanggit ko 'yon? Ngunit kahit anong pilit na pag-alala ay wala akong maisip na sitwasyon na nabanggit ko ang una kong pangalan lalo na't maingat ako sa aking pagkatao. Or maybe, I just heard him wrong? I sighed. Hindi ko na alam.

Maya-maya pa ay kinatok na ako ni Simon, handa na para umalis. Kinuha ko ang bag na ibinigay sa akin ni Siana. Laking pasasalamat ko sa kaniya dahil binigyan niya ako ng mga damit noong nakaraan kaya meron ako. Ngayon ay pinasuot niya sa akin ang kulay pula na off-shoulder dress, hanggang ilalim ng tuhod ang abot. Komportable 'yon at kahit simple ay maganda. Bitbit ang bag at cloak ay lumabas na ako ng silid.

Natagpuan ko sila sa may tarangkahan. Paalala nang paalala si Siana sa kaniyang anak na huwag maging makulit at huwag lalayo sa amin. Napangiti ako nang makita na niyakap nito ang anak at ilang beses na hinalikan sa noo. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang makaramdam ng titig. At noon ko lang napagtanto na tila masama ang titig sa akin ni Master. Madilim ang tingin sa akin ng kulay pilak niyang mga mata.

"B-bakit?" halos bulong ko. Umiwas siya ng tingin at tumungo sa malaking pinto, handa na para lumabas.

Napayuko ako nang may maliliit na kamay ang humawak sa akin. I saw Simon looking up to me. His eyes are twinkling because of excitement. Ang isa niyang kamay ay mahigpit ang hawak sa isang strap ng bag.

"Tara na, ate Ganda!" He almost shouted. I giggled and nodded.

Nagpaalam ako kay Siana. Halos nabigla ako nang niyakap niya ako at ilang beses na sinabihan na mag-ingat ako. I can't help but to stare at her gently. She's really a mother. Pakiramdam ko ay anak din ang turing niya sa akin. And it makes my heart warm and happy. Ngumiti ako sa kaniya at yumakap bago umalis.

Sa labas ay naghihintay sa amin ang sasakyan na tulad dati. Hila-hila ng dalawang kabayo ang gawa sa matibay na kahoy na sasakyan namin. Nakaupo roon ang dalawang tauhan ni Master. Napanguso ako nang mapagtanto na nauna na pala ito sa loob. Sumunod si Simon at huli ako. Nasa gitna namin ang bata na hindi maipagkaila ang pananabik. Bago tumakbo ang kabayo ay kumaway ako kay Siana na buhat si Morphy. Natatawa na naaawa ako kay Morphy dahil malungkot itong nakatingin sa amin, and he looks cute.

Nagsimula na ang biyahe. Halos 'di mapalagay si Simon. Natatawa ako sa kinikilos niya at napapailing.

"Labis na akong nananabik, ate Ganda," aniya. Napabungisngis ako at kimurot ang pisngi niya.

"Halata nga," natatawang saad ko. Ngumuso siya.

"Hindi ko alam kung bakit ako nananabik. Halos nakita ko na rin naman ang bayan. Siguro ay namimiss ko lang dahil madalas na ako sa palasyo," aniya. Tumango ako at hinaplos ang kaniyang buhok. Tinignan niya ako at ngumisi sa akin.

"Ang ganda-ganda mo, ate Ganda. Naku! Maraming mamamangha sayo sa bayan. Tapos tignan mo pa ang damit mo, ang ganda-ganda. Tiyak na na marami sa iyong maaakit. Bagay na bagay sayo ang pula. Tapos maraming titingi—"

"Kailangan niyang isuot ang cloak, Simon. Malamig sa bayan," biglang singit ni Master. Napatingin kami sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo ni Simon.

"Ang alam ko po, mahina na ang pagbagsak ng mga niyebe ngayon, Master. Kayang-kaya na 'yon ni ate Ganda. Tsaka gusto ko ipagmayabang na maganda ang ate ko.." aniya. Napahagikhik ako sa sinabi niya. Kinurot-kurot ko ang kaniyang pisngi at tuwang-tuwa naman siya.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon