Madilim pa rin ang kaniyang mukha. Nakatiim ang kaniyang bagang habang nakatingin sa labi ko. Iniwas ko ang mata ko sa labi niya at tumikhim. Did he just kiss me that way? Sa gilid ko ay rinig na rinig ko ang kaniyang pagsinghap.
"I'll drive you home, Hellary," Sabi niya.
Tumango ako at hindi nagsalita. Pinaghalong hiya ang aking nararamdaman. This was not the first time but the feeling is just the same. Gano'n pa rin. May kakaibang pakiramdam na kahit kanino ay hindi ko naramdaman.
Binuhay niya ang makina ng kaniyang sasakyan. "You made me mad, lady. Really, really, mad," he uttered. "Paano kung may iba pa iyong ginawa? Hellary, you can't just trust someone that easily!"
"Y-you're overreacting!"
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nag-blink ito kaya kitang-kita ko kung sino ang tumatawag.
Kestrel is calling...
Natuon ang atensyon ko ro'n. Tila napansin niya kaya kinuha niya ang cellphone niya at hinagis sa bintana ng kaniyang sasakyan. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. That was insane! Bakit niya ihahagis sa labas ang cellphone niya ng gano'n gano'n lang?
Galit na galit nga talaga siya.
"Why did you do that?!"
"I want your eyes on me, Hellary," aniya. "Kung hindi pa pinasundo sa 'kin ni Ninang si Kestrel, hindi ka pa uuwi at hahayaang bastusin ng lalaking iyon!"
Pinasundo ng ninang niya si Kestrel sa kaniya? Oh. That explained why he was here. Pinapasundo pala si Kestrel. Eh 'di pabigat lang pala ako sa kaniya dahil si Kestrel naman pala talaga ang responsibilidad niya at hindi naman talaga ako.
"Open the door," utos ko.
"No."
"Hindi ako si Kestrel. Hindi mo ako responsibilidad."
"Who told you that?" Lumambot ang kaniyang ekspresyon. Pinatay niya ang makina ng kaniyang sasakyang kanina niya pa hindi pinapaandar. He reached for my hand pero binawi ko iyon.
Lumamlam ang kaniyang mata dahil sa ginawa ko. "You're my responsibility..."
Parang may sariling buhay ang kaniyang palad. Hinagkan nito ang aking pisngi. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. "No, love. You're more than my responsibility. Okay? You're more than anything nor anybody."
Dahan-dahan akong tumango. Narinig ko ang kaniyang mahinang pagbuntong hininga. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang simulan niyang paandarin ang sasakyan. Tahimik lamang kami buong biyahe.
Naisip ko tuloy kung susunduin niya pa ba si Kestrel. Dahil ang purpose niya naman talaga sa pagpunta ro'n sa Grim Perpen ay si Kestrel.
Matapos niya akong ihatid sa bahay ay mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto at nagkulong. Ni hindi ko siya nilingon manlang o nagpaalam. Basta mabilis na lang akong umibis papunta sa kwarto ko.
Matapos kong mag-shower ay nahiga na ako upang matulog. But before I even close my eyes, my phone vibrated. Nang lingunin ko ito sa katabing table ay dumungaw ang pangalan ng tumatawag.
Agad ko itong sinagot. Pumikit ako dahil nakaramdam na rin ako ng pagod. Gusto ko nang magpahinga. Masyado yatang napagod ang katawan ko buong araw. Isama pa ang pagsayaw sa gitna ng madla. I was very much exhausted.
"Hello?"
Humalakhak ang nasa kabilang linya. Agad ko namang nahimigan ang pamilyar na tawa niya.
"Matutulog ka na ba?"
"Yes. Tumawag ka lang." Ngumuso ako kahit na alam kong hindi niya makikita.
"Oh, sorry for that. I just want to inform you about our visit to my grandmother's house. Text ko na lang sa 'yo kung anong oras."
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...