xxxii

26K 1K 128
                                    

DANGEROUS



"It's rude to stare." Sinulyapan ko siya ng tingin at nakitang imbis na mag iwas ng tingin e' ngumiti pa nga ng nakakaloko ang mukong na 'to. Inirapan ko siya tsaka nalang ako nagpatuloy sa pagkain. Kanina pa nagwawala ang mga halimaw ko sa tiyan dahil sa gutom. Sana kasi kumain nalang muna ako bago ko naisipang punatahan siya e'. Nakakahiya tuloy. 

Ang galing din palang magluto ng Alpha na 'to. Hindi naman ako na-inform. Ilang minuto din kaming binalot ng katahimikan bago siya nagsalita.

"It will going to rain," Bulong niya tsaka niya binalingan ng tingin ang bintanang nandito sa kusina. Tanaw mula roon ang marahang pagsayaw ng hangin sa mga dahon ng punong kahoy. Mukhang u-ulan nga. Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang ako sa pagkain. E' sa gutom ako eh. May problema?

Matapos kong kumain ay ako na mismo ang naghugas ng pinagkainan ko habang siya naman ay lumabas muna ng kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin niya at wala din naman akong pakialam. Habang naghuhugas ay napatingin ulit ako sa labas ng bintana ng tuloyan ng ngang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya naman pala madilim ang kalangitan kanina dahil nagbabadya na pala ang pag-ulan. 

Bumaling ang paningin ko sa pintuan nitong kusina ng pumasok ulit mula roon ang bampirang ngayon e' nakasuot na ng kulay puting t-shirt at kulay gray na jogging pants. Kagaya kanina ay magulo parin ang buhok niya na ani mo ay kakagising niya lang mula sa isang mahabang pagkakatulog. Bumaba ang paningin ko sa hawak niyang kulay itim na payong. May pupuntahan ba ang isang 'to?

"I'll be back in a minute. Don't go outside. It's dangerous!" Hindi na ako nakasagot pa dahil nagmadali na siyang maglakad palabas ulit ng kusina. Nangunot tuloy ang noo ko. Saan naman kaya ang punta ng mukong na'yon? 

Nagpatuloy nalang ako sa paghugas ng pinagkainan ko. Matapos kong maghugas ay maayos kong ibinalik sa mga lalagyan nila ang mga ginamit ko tsaka ako naglakad papunta sa medyo may kalakihang bintana nitong kusina. Sumilip ako doon at nakitang malakas nga talaga ang ulan sa labas. This is the first time na umulan sa eskwelahan na 'to simula no'ng pag dating ko dito. Napangiti ako. Nakakamiss din palang makakita ng mga normal na bagay sa eskwelahan na 'to.

The view of the trees dancing in the breeze of the wind, and the rain drop outside of the window makes me feel a bit of Deja vu. 

Kaagad kong kinuha ang jacket ko tsaka ako nagsimulang maglakad palabas ng kusina at papunta sa main door nitong mansyon. Binabalot ng matinding katahimikan ngayon ang buong mansion na ito dahil walang ni kahit isang bampira o tao na nandirito. Siguro nga ganon talaga ka dilekado ang Alpha na 'yon kapag hindi niya na kukuntrol ang sarili niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi niya naman ako sinaktan kanina. Is he seeing that Luna girl again in my presence kaya bigla nalang siyang kumalma?

Napahinto ako sa akmang pagbukas ng pintuan ng maalala ko ang sinabi niya kanina. It's dangerous to go outside? Well, whatever. I love danger anyway. I smirk with that thought. How can I still be alive when all I did was to break a bunch of rules in my 19 years of existence? Siguro kahit si kamatayan ay ayaw akong makasama dahil sa katigasan ng ulo ko. Napabuntong hininga ako. Sandali lang naman ako sa labas. Siguro naman matatagalan pa at hindi agad-agad makakabalik ang masungit na paniki na 'yon.

Dahan-dahan kong binuksan ang main door nitong mansion tsaka ako marahang sumilip sa labas. Kaagad namang sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin. Nang masiguro kong walang epal na pakalat-kalat sa labas ay kaagad na akong humakbang palabas ng pintuan. Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan tsaka ako tipid na napangiti.

"This seems to be familiar." Bulong ko tsaka ko itinaas ang kamay ko para saluin ang ilang butil ng tubig na ngayon ay pumapatak mula sa madilim na kalangitan. When I was in Zapero Facility, I tended to just watch the rain from the window of my room. Hindi ako pweding maging normal na teenager kaya kahit na gusto ko ring lumabas ay hindi ko magawa. Tanging pagtraining lang ang inatupag ko dahil kailangan kong mag palakas para sa araw ng pagpasok ko sa eskwelahan na ito.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon