xxvi

28.1K 1K 114
                                    

FORBIDDEN FOREST


Hindi ko alam kung gaano ba kalayo ang ibinyahe namin dahil hindi pa man kami inaabot ng trenta minutos sa byahe kanina ay nakatulog narin ako kaagad dahil narin siguro sa hindi ako nakakatulog ng maayos ngayong linggo.

Nagising lang ako ng maramdaman ko ang pares ng mga mata na nakatitig saakin. Huwag na kayong mag taka kung bakit malakas ang pandama ko. I am fully trained by the Zapero Organization na kahit ang mga pandama ko ay sinanay din nila ng mabuti. In short, kahit hindi ko gamitin ang mga mata ko, alam ko parin kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at kagaya nga ng inaasahan ko, pares ng kulay asul niyang mga mata ang unang bumungad sa paningin ko. He cleared his throat before he moved his gaze away from me. I knitted my brows.

"You're sleeping so loud." Saad niya na ikinalukot ng mukha ko.

What? Am I sleeping so loud? Inirapan ko siya tsaka ko itinuon sa labas ng bintana nitong kotse niya ang paningin ko. A forest? Wait--bakit kami nandito? Akala ko ba mag Ka-camping kami?

"Hurry up. They already left us."

Lumabas na siya ng kotse niya kaya naman agad narin akong lumabas at sumunod sa kaniya. Natanaw ko naman hindi kalayuan ang ilan pa sa mga bus na ginamit din ng mga estudyante kanina. Ibig sabihin ay ito ang tinutukoy nilang maliit na bayan kung saan kami mag ka-camping?

Sumunod na ako sa kaniya ng magsimula na siyang maglakad papasok sa kagubatan. What kind of joke is this?

"Bakit ba tayo naglalakad? Hindi ba pwedeng mag teleport nalang tayo?" Iritang tanong ko ng abutin na kami ng ilang minuto sa paglalakad.

"I'm not familiar with this place so I can't." Tipid na sagot niya na ikinabusangot ko nalang. Baka humiwalay na 'tong mga paa ko sa katawan ko dahil sa layo ng lalakarin pa namin. Pakiramdam ko nagdadahilan lang 'to. Gusto lang akong pahirapan kaya ayaw pang mag teleport.

Hindi nalang ulit ako nagsalita pa at tahimik nalang akong sumunod sa kaniya. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa likuran niya ng maalala kong may atraso pa nga pala saakin no'ng nakaraan ang nilalang na 'to.

Pareho kaming napahinto ng makarinig kami ng kaloskos hindi kalayuan saamin. Kaagad kong hinugot sa bulsa ng bag na suot ko ang maliit na punyal na bigay saakin ni Demiana. Inilibot ko ang paningin ko at gano'n din naman ang ginawa niya. Nagsisimula nang dumilim nag paligid kaya naman sigurado akong mas mapanganib na ang lugar na ito. Kung bakit ba kasi hindi nalang ako ginising ng bampira na 'to kanina.

Kinunotan ko siya ng noo ng hilahin niya ang kamay ko papalapit sa kaniya. "Three rogue vampires are here. Stay close to me."

"Woah!" Tugon ko tsaka lumayo ng kaunti sa kaniya.

Itinaas ko ang kutsilyong hawak ko pero hindi ko na nagawa dahil hinawakan niya na naman ang kamay ko tsaka ako ulit hinila palapit sa kaniya. Muntik pa nga akong nasubsob sa dibdib niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang trip ng paniki na 'to? Akala mo naman may pinagkaiba siya sa mga bampira na iyon. Kanina nga lang e' muntik na naman niyang bawasan ang dugo ko e'.

Hihilahin ko na sana ulit ang kamay ko pero hindi ko nagawa dahil mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak niya doon. Isang seryusong tingin ang ipinukol niya saakin.

"Don't go make any reckless action again, Salvatore." May riin ang bawat salita na saad niya.

Napairap nalang ako. Hindi na ako umangal pa nang umepal na nga sa eksena ang tatlong rogue vampires na tinutukoy niya kanina. Two of them are male and the other one is a girl. By just a glance at their features, you can tell already that they are rogue vampires. Rogue vampires have a black circle around their eyes na parang isang buwan silang hindi nakatulog. Namumula din na parang dugo ang kulay ng mga mata nila at ang mga pangil nila ay mas mahaba kesa sa mga normal na bampira.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon