Blood
Hindi ako nakatulog no'ng panahon na 'yon. My body is in defensive mode. Magdamag lamang akong nakaupo sa likod ng pinto upang agad na marinig kung may paparating. I know I was so scared. Alam kong nakita niya ako, at takot na takot ako na baka gawin din niya sa akin ang ginawa niya sa mga babaeng 'yon. I shiver everytime I remember that scenario. I don't know what creature is he, but I am sure he's a monster.
Kinatok na ako ni Simon dahil na rin sa pag-uutos ni Siana. Agad akong nag-asikaso. Hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib. Alam ba nila Siana ang tungkol doon? At paano kung makita ko siya ngayon? I don't know how will I act when I see him. Alam ko lamang ay natatakot ako sa kaniya. At hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit. Kinuha niya ang buhay ng mga nilalang na 'yon. Pinatay niya, sila. At kahit hindi na alamin ang buong pangyayari, masama ang ginawa niya.
But I hope I will not see him. Noong mga nakaraan na araw naman ay napakadalang niyang magpakita. At sana mas lalo 'yon na lumala. Makararamdam kaya siya ng hiya dahil nakita ko ang kasamaan niya? Ngunit malabo. Hindi na makadadama ng hiya ang isang masamang nilalang.
When I was already fixed, I went out of my room. Tumungo na ako sa kusina kung nasaan sila Siana. Araw-araw ay kasabay ko kumain ng agahan ang mag-iina, lalo na si Simon. Nang makapasok doon ay nakita ko agad ang hapag. Simon was all smile while munching his foods. Salita rin siya nang salita. At napagtanto ko kung bakit. Simon is a cheerful kid but he's extra hyped when he is around. Dumako ang tingin ko sa dulo ng mesa. And there he is.
Napalunok ako nang maalala muli ang nakita kagabi. Kinuyom ko ang kamao. Ano ba ang gagawin ko? Act normal like I didn't see anything? Walang problema sa akin noon ang presensya niya. He's the boss here, the master. Except of his disturbing aura, wala ng problema sa kaniya. Hindi siya palakibo ngunit nakatutuwang makita na malapit sa kaniya si Simon at Morphy. Pakiramdam ko ay napakabait niya kaya malapit ang dalawang munting nilalang sa kaniya. But now, after seeing that, I don't know anymore.
"Nais kong muli na pumunta sa sap- Ate Ganda!" Simon called me out. Napapitlag ako at napakurap. Diretso ang tingin ko kay Simon na bumaba mula sa kaniyang upuan at lumapit sa akin.
"Tara! Tara! Kain na tayo!" He seems very excited. Ramdam ko ang isang nanunuot na titig sa akin. My mind turned blank. Nagpatianod na lamang ako kay Simon na pinaghila ako ng upuan at inalalayan ako umupo.
"Kain ka na, Ate Ganda!" He said and pushed the bowl of soup towards me. Pilit ko siyang nginitian at tinanggap iyon. Nanginginig ang kamay ko nang magsalin sa aking mangkok. Why does he need to stare at me! Lalo akong kinakabahan.
And this is the first time na sumabay siya mag-umagahan sa amin! And I didn't expect this!
Kinagat ko ang labi at pilit na kinalma ang sarili. I will just go with the flow at bahala na sa kung ano ang mga magiging reaksyon ko mamaya. Hindi ko na napigilan ang mag-angat ng tingin. Our eyes met. His silver eyes again. They were staring at me intently. Pinilit ko na pantayan ang kaniyang titig.
Sinabi sa akin ni Siana noon na hindi nila magawang titigan sa mata ang lalake na 'to. Hindi lang dahil sa paggalang nila rito, dahil wala rin silang lakas ng loob. Hindi nila kayang titigan ito nang matagal dahil pakiramdam nila ay isang kasalanan at nakapanghihina. Hindi ko 'yon maintindihan. Dahil ako, simula pa lang noong una ko siyang makita, kaya ko na siyang titigan sa mata at tila lagi pa akong hinihila noon na makipagtitigan sa kaniya. Siguro hindi ako ganoon kailang sa awtoridad na ipinapakita niya dahil na rin sa mataas ang posisyon ko sa lugar namin noon. Ngunit kahit ano pa man, I think I am mesmerized on his eyes.
A memory flashed on my mind. I remember his eyes turning black then back to silver, last night. Nagpatuloy ang alaala hanggang maalala ko muli ang mga babae. I immediately looked away. Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay na nanginig. Binaba ko 'yon sa aking kandungan at pinaglaruan ang mga daliri upang malibang ang isip.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Demon
Vampire(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in a palace, to have the luxury, wealth and tons of servants. Patrisha Azriella Bloodstone have it all...