Chapter 18

201K 10.4K 7.5K
                                    

Tatlong linggo siyang nawala. Ngayon makikita ko siyang may kasamang babae at hindi lamang iyon, pinagkakaguluhan siya ng mga tao sa hindi ko malamang dahilan. While looking at him amidst of the crazy cheers, bakit pakiramdam ko ang layo layo niya sa 'kin? Bakit pakiramdam ko hindi ko siya kayang abutin?

Naguguluhan ako.

Kaibigan lang ang tingin ko kay Nazareth. Pero bakit nakararamdam ako ng kirot? Bakit pakiramdam ko hindi siya yung Nazareth na tumulong sa 'kin para mapalapit sa taong gusto ko? Bakit pakiramdam ko hindi siya yung taong nagpapasaya sa 'kin kapag malungkot ako?

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Parang nabingi ako sa sigawan ng mga tao. Tila nakadikit ang mga mata ko sa kanila habang naglalakad sila sa harap ko.

Kitang-kita ko ang pag ngiti niya sa babaeng nakalingkis sa kaniyang braso. May binulong ang babae kaya humalakhak siya na mas lalong kinabaliw ng mga tao.

I held my chest tightly.

This is not me.

This is not right.

As if on cue, biglang sumulpot sa harapan ko si Hera. May dala-dala siyang banner na may nakasulat na, Welcome back, Alpha!

I was losing a piece of puzzle here. Bakit nakalimutan ko ang tungkol sa kaniya? Kaya pala familiar ang apelyido niya sa 'kin. Sarmiego.

Bakit ko ba nakalimutan?

Hera mentioned it before. There was an alpha here in our school. The owner of this school made so many fans club for that guy. Dahil do'n ay tinagurian siyang The Alpha. Ayon kay Hera, ang pamilyang Sarmiego ang may pinakamalaking shares dito sa school.

He was the richest, so the students named him alpha.

I didn't know how this school works pero bilang utang na loob daw ay hangga't maari, binibigyan nila ng special treatment ang Sarmiego. Wala kasing hinihinging kapalit ito.

That explained why he was so popular. Aside from being the richest student, mas lalong dinagsa ang alpha dahil sa pisikal na itsura nito.

I was so stupid for not remembering his name. Wala kasi akong pakealam sa paligid ko dati. Sa isip-isip ko noon ay andaming pakulo ng school na ito. Kaya nagulat ako na ang tinaguriang The Alpha ng mga estudyante ay walang iba kung 'di si Nazareth.

"Oh my gosh, bi!" sigaw ni Hera. "Bakit ka namamalimos diyan!"

Tinulungan niya akong tumayo. "What happened to you, bi?"

Nang muli kong lingunin si Nazareth ay wala na ito ro'n. Humupa na rin ang sigawan ng mga tao at unti-unti na silang nawala.

"S..."

"Say it, bi! S..."

"S-su..."

"Suso?"

Binatukan ko siya. "Sumama ka sa 'kin. I'll tell you everything."

**

"So, what is it? Bakit ka namalimos sa sahig kanina?" tanong ni Hera.

Hindi ko pa kinwento kay Hera ang tungkol kay Nazareth. Nang magkuwento naman ako sa kaniya tatlong linggo na ang nakaraan ay tinanong ko lamang siya kung bakit bigla na lang naglaho yung kababata ko. Hindi naman na siya nagtaka pero sinagot niya naman ang tanong ko. Kunyari ay kababata ko ang naglaho at hindi si Nazareth.

"Umorder muna tayo ng makakakain," ani ko.

Umiling si Hera. "Spill it."

Malakas akong bumuntong hininga. "Naalala mo nang tanungin kita sa library tungkol sa sikat na myth?"

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon