x

31.5K 1.4K 316
                                    

"In the Room of Algea."

Room of what? Algea? If I am not mistaken, algea were the personified daemons of pain and suffering, body and mind, sorrow, and distress. By the sound of it, looks like it wasn't just a normal punishment. At base din sa reaksyon ng mga estudyante, mukhang seryuso nga iyon.

Nagsimulang mag bulongan na naman ang mga estudyanteng naririto. Even Demiana and Xy dared to let out a violent reaction. Umiling si Demiana at inabot ang kamay ko.

"No, Hyrreti..."

I just nodded to assure her. "Stop worrying about me," utos ko sa dalawa.

Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko saka binalingan ng tingin ang lima.

"Okay, tara na."

Hahakbang na sana ako nang hawakan ni Xy ang kamay ko. She stared at me; fear was evident in her pair of deep black eyes. Ganon din kay Demiana. Napabuntong hininga nalang ako. Why are these people so concerned?

"Quit staring at me like that. Now eat your food and go to your next classes. I'll just go visit death." Ngumisi ako saka sila tinalikuran.

Nandito kami ngayon at naglalakad sa gitna ng masukal na kagubatan. Hindi ko alam kung saan ba ang punta namin ng mga nilalang na ito pero hindi nalang ako nagsalita at tahimik nalang na sumunod sa kanila. Napairap nalang ako nang makita ko ang paglingon na naman sa akin ni Azeya saka niya ako nginisihan na parang nauulol na aso.

"Ano ba, Azeya? Ang pangit ng mukha mo ba't ka tingin ng tingin saakin?" Kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Inirapan ko lang naman siya saka ko ibinaling ang paningin sa president ng supreme student government na nauuna sa aming maglakad.

"Malayo pa ba?" Inis na tanong ko dahil ramdam ko na ang pamamanhid ng paa ko dahil sa patuloy naming paglalakad.

Kung bakit ba kasi hindi nalang ginamit ng mga engot na 'to ang kakayahan nilang mag teleport? Papahirapan pa ako eh.

Binigyan ako ng masamang tingin no'ng babaeng katabi ng president pero hindi ko siya naman pinansin. Parang binabalaan na naman ako na ayusin ko ang paraan ng pakikitungo sa kanila. Pabida rin kasi ang isang 'to eh.

"We're here." Anunsyo ng kung sino.

Napatingin ako sa harapan namin at doon ko lang nakita ang isang napakalumang gusali na kung titignan mo ay parang kikilabutan ka talaga. There's even a blood stain on the old, wooden door of the building.

This place seems to have been abandoned a long time ago. Malamig din ang pag ihip ng hangin dahil sa mga punong kahoy at mga halaman na nakatanim sa paligid ng gusali.

"Wow, nakakatakot." Namamanghang saad ko.

Sa halip na matakot dahil mukhang ito na ang magiging huling hantungan ko, natuwa pa nga ako. The place gives me chills and that's new to me. This was the first time that I felt other emotion. Nakakatuwa naman.

"Anong wow, dapat ay mag dasal ka na riyan." Si Azeya na epal ulit. Hindi ko nga pinansin. Mukhang kulang sa aruga eh. Di siguro to mahal ng mama niya.

"Hyrreti," Napatingin ako kay Veine nang marahan ako nitong tawagin. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ko ang pagkabahala na nakapinta sa mukha niya. Kunti nalang parang maiiyak na siya.

"I'm sorry."

Sadness and guilt are evident in her eyes. I frowned. I really hate it when I see people having this kind of emotion on their faces. They're giving other people an easy access to their weaknesses.

"I'm perfectly fine."

Umiling siya at napayuko nalang. Totoo naman kasing okay lang ako. Bakit ayaw nilang maniwala? Akala ba nila umaacting lang ako rito?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon