Athena's Pov
Habang nagkla-klase di ko maiwasang hindi tanawin ang labas ng classroom. Wala si Ralph kanina pa nung nasa Head office kami. Ano kayang problema non at nagdabog nung yinakap ako ni Ace?
Hayy nako.....
Ayokong ng gantong feeling! Ayokong mag assume!
Yung tatlong dark magian hindi rin pumasok, pero mas maganda na rin 'yon dahil panira sila ng araw. -.-
Siguro mga nagtre-training 'yon para sa laban namin hahaha! Nakakatawang isipin pinsan ko pala yung Dracky na 'yon at mas matanda sa akin pero mukhang isip bata.
"Dito sa Magical World nahahati tayo sa pitong kaharian na nadagdagan ng isa pang kahariang tinatawag na Dark Kingdom, ang mga kalaban. Ang Mundo ng Mahika ay parang isang buong bansa. Syempre hindi maayos ang buong bansa kung walang presidente o namumuno diba?" si Ma'am Del dase, ang paboritong teacher namin sa lahat ,dahil history teacher namin siya and mahilig kami sa history tungkol sa mga magics.
"Yess Ma'am" we all said in chorused.
"So dito sa ating mundo meron ring mga namumuno dito. At ang tawag sa kanila ay diorisménous igetes, salitang griyego na ang ibig sabihin ay 'inatasang mga pinuno'. Sila ay malalakas na magians dito sa magical world.
There are 8 diorisménous igétes who rules the magical world's order, health, battles, wealth, agriculture, communication ,nature and many other's world's needed to live in peace. Sila ay sina Luke, Mary, Xavior, Candelaria, Joshua, Elizabeth, Xabat and Bethany. Mga anak sila ng anak ng mga gods and goddess ng Olympian Greek Mythology. Siguro naman pamilyar kayo sa Olympian Greek Mythology na napagaralan niyo noon?"
(A/N: diyorismenus iyetes' po ang basa sa diorisménous igétes. Thanks ;))
"Yess Ma'am" we all said again in chorused.
"Babalikan natin ang Greek Mythology. Ang mga Diyos at diyosa sa mitolohiyang griyego ay may espesyal na bahagi sa mundo. Halimbawa si Zeus, ang diyos ng kalangitan, habang si Poseidon ay diyos ng karagatan. Maaari rin silang mag invisible at lumipat sa anumang lugar sa maikling panahon. Ang mga diyos at diyosa ay hindi nagkakasakit at maaari lamang masaktan ng mga hindi pangkaraniwang dahilan. Tinatawag itong immortality. Si Zeus ang hari ng mga diyos na naninirahan sa ibabaw ng Mt. Olympus sa Greece. Ang mga diyos ay mga anak ng titans na sina Kronos at Rhea."
"Ang mitolohiyang griyego ay may labing dalawang pangunahing diyos na kilala bilang Olympians. Kabilang si Zeus, Poseidon, Hades, Hermes, Hera, Athena, Artemis, Apollo, Aprodite, Ares, Demeter at si Dionysus. Ibinigay ni Hestia ang kanyang trono sa isa sa pagiging Olympians kay Dionysus."
May biglang pinakitang mga larawan si Ma'am
"Si Zeus
Siya ang Diyos ng Kalangitan. Siya ang pinakaimportanteng diyos sa lahat. Siya ang Diyos sa lahat ng Diyos. Kapatid niya si Poseidon at Hades. At asawa at kapatid naman niya si Hera. And si Jupiter sa Roman Mythology ang kanyang counterpart.
Poseidon
Siya naman ang Diyos ng Karagatan. Siya ang pangalawang importanteng diyos kasunod ni Zeus. Ang simbolo naman niya ay ang Trident na hawak niya. Ang ang Roman Counterpart niya ay si Neptune.
Si Hades
Hades is the God of Underworld and Death, pero di siya nakatira sa Mt. Olympus kasama ang ibang mga greek gods and goddesses.
Ares
Siya ang God of War and Violence. Magaling siyang makipaglaban at kitang kita naman dahil sa kalakihan ng kanyang katawan. Anak siya ni Zeus at Hera"
BINABASA MO ANG
MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION
FantasySabi nila lahat tayo may pag asa sa buhay. May mga maswerte na natupad at nakuha nila ang mga bagay na gusto nila. Mayroon naman na hindi pinalad na makuha ang mga gusto ......katulad ko. Habang patagal ako ng patagal sa mundo. Para sa akin wala na...