"Ano ba, bayad ba kayo? Bakit kayo tingin ng tingin?"
Nasisira ang mood ko sa mga lintik na 'to eh. Kanina pa tingin ng tingin. Parang mga baliw.
Napairap nalang ako saka ibinaling na lang ang tingin sa labas ng bintana.
We're still waiting for the professor. Hindi pa naman late, napaaga lang ako dahil nga ayaw ko makasabay ang tatlo na 'yon. My first class is in the fifth floor kaya naman kita ko mula sa kinauupuan ko ngayon ang walang buhay na tanawin sa labas.
Tinatamad na isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng binata saka tintitigan ang makulilim na kalangitan. Hindi uulan, sadiyang palagi lang talagang kamulimlim sa lugar na ito.
Vampires can't stand the ray of sunlight, which is why they have to live their whole lives in darkness. That's why this place seems to be perpetually shrouded in shadow.
I sighed.
Kung bakit ba kasi hindi magkasabay ang klase ng mga bampira at ng mga tao rito eh. Tuloy ngayon ay hindi ko alam kung paano ko ba masisimulan ang mga plano ko. Dagdagan pa na hindi rin pwedeng lumabas ang mga day class students tuwing gabi, mas lalo lang lumiliit ang tiyansa ko na makilala ang Alpha na iyon.
Ang akala ko ba pinag-aaralan rito kung pwedeng makisalamuha ang mga bampira at tao nang hindi nag papatayan? Eh bakit hiwalay sila ng class schedule? Pano nila magagawa ang eksperimento kung ganon? Sino ba kasing nag set up nito? Tanginang kabobohan yan! Ako pa tuloy ang nahihirapan ngayon.
"Siya ba iyon?"
"Oo, mukhang bago eh. Binangga ba naman ang grupo nila Azeya."
"Kaya nga eh. Sigurado akong nag me-meeting na ang supreme student ngayon pasa sa parusa niya."
"Nako! Baka mamatay agad 'yan."
"Mauuna ka kapag di ka tumahimik diyan," sagot ko dahil naririndi na ako sa mga ito.
Kunti nalang talaga at mapuputolan ko na mga dila ang mga tsismosang nilalang nato. Hindi naman ako na inform na pati pala sa ganitong klaseng lugar eh namumuhay parin sila. Mabuti nalang at bago ako mapuno eh dumating na kaagad ang professor namin sa susunod na subject.
Hindi rin naman ako nakinig dahil math ang subject at kapag gano'n, parang tinatawag ako ng liwanag. Natulog nalang ako dahil baka hindi bampira ang makapatay sa akin kundi ang lesson sa math ng professor namin.
An empty classroom.
'Yan ang bumungad sa akin matapos kong makatulog sa nakakamatay braincells na subject na iyon. Damn! I hate all the subjects that are related to science and math. They're a real pain in the ass and a torture to my brain.
Inilibut kong muli ang paningin ko sa kabuoan ng silid. Walang tao. Ang galing naman. Ako nalang ang naiwang mag-isa rito ngayon.
Tumayo na ako at nag simulang maglakad palabas ng klasrom. Kumunot ang noo ko nang makitang wala na namang ni kahit isang estudyante ang makikita sa buong main building.
Ganito rin kahapon ah. Dahan-dahan akong naglakad at pinapasadahan ng tingin ang bawat klasrom na nadadaanan.
Ano ba talagang klaseng paaralan 'to at bakit bigla-bigla nalang nawawala ang mga estudyante? No'ng pag dating ko rito kahapon ay halos ganito rin ang eksena ah. Napahinto ako ng may mapunto. Don't tell me, may isa na namang night class student ang nawalan ng kontrol sa sarili?
Na kansela ba ang klase? Kung gano'n, bakit wala man lang memo?
Nagsimula ulit akong maglakad. Baka sakaling malaman ko ang sagot kung bakit bigla-bigla nalang nawawala ang mga estudyante sa paaralan na ito. At baka malaman ko rin kung nasaan ang cafeteria. Kaninang umaga ay hindi na ako nakakain dahil ayaw kong maabutan ng tatlong babaeng kasama ko sa bahay. Tuloy ngayon eh nagrereklamo na ang sikmura ko dahil sa gutom.
BINABASA MO ANG
NIGHT BLOOD UNIVERSITY
Mystery / Thriller[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive? STATUS: Completed WARNING: Some chapters may contain violence and inappropriate words which are no...