YUAN
Papupuntahin lang pala ako sa Malakanyang eh ang dami na nilang kadramahan. Protocol etc. Ano ba problema? Alam ko wala naman akong ginawang kapalpakan ngayon eh. Bakit pala ako pinapatawag dito? Ang dami ko pang gagawin sa base ah.
"Yuan, dito ka din?"
Oh! Bakit nandito din si Miggy?
"Oo. Bakit daw? Alam mo ba? Pinatawag ako sa base eh. Ikaw? Akala ko ba nasa Davao ka ngayon?"
"Naka RnR ako ngayon. Kakarating ko nga lang din eh. Pero tinawagan ako ni Dad na punta daw muna ako dito. Hindi ka pa ba pumapasok?"
"Hindi pa eh. Pinaghintay ako dito kasi daw may bisita pa."
"Ah okay."
"Lt. Bustamante sirs, okay na po."
"Sino sa amin?"
"Kayong dalawa sir."
"Sana, taasan ang sweldo natin no?"
"Ungas, baka kaltasan kamo. Baka nga sabihan niya tayo na idonate na lang natin mga sweldo natin eh."
"Hahahaha huwag naman at manganganak na asawa ko."
"Oo nga no? Tawagan mo ako pag manganganak na. Sa tingin mo nasa tabi ka niya pag nanganak na?"
"Sana. Kaso, baka nasa field na ako pag nanganak si Kirsten eh."
Then we were ushered in the private study of the President of the Philippines who happens to be our father too. When we got in, we both saluted and went to where he was standing and hugged ang kissed him after all we are still his sons and he, our father.
"Yuan, Miggy, buti nakapunta kayo?"
"Dad naman, no choice kami siyempre Commander in Chief ang nag utos tapos takot lang naming sa mga CO naming kung di kami pumunta? What's up?'
"Darating ang mga anak ng mga presidente at mga prime ministers sa buong mundo dito sa Pilipinas next week. I want you to entertain them."
"Dad naman, pwedeng si Yuan na lang? Umpisa pa lang ng RnR eh."
"Hindi naman buong araw kasama mo sila eh, Miggy. Lunch or breakfast or dinner lang dapat kayo nandun."
"Pero Dad..."
"Sige Dad, ako na lang. Huwag na si Miggy kasi nga manganganak na si Kirsten eh."
"Sige, sige if that's what you two want. Pero Yuan okay lang sa yo? Don't worry may kasama naman kayong mag eentertain eh. Pero siyempre, kayo anak ng Presidente so its but right for you to entertain them."
"Okay lang Dad. "
"By the way, may mga anak din ng senators dun at may mga artista."
"Okay."
"Nandun si Angela, Yuan."
"Okay Dad."
Angela? So what kung nandun siya? Bakit hindi na ba iikot ang mundo ko kung nandun siya?
"Yun lang ba ang mission namin Dad? May pupuntahan pa kasi akong birthday ng mistah eh. Pwede na bang umalis?"
"Oo, yun lang. sige you're both dismissed."
....
"Si Angela nandun! Nakakatawa si Dad. Nakita mo ba mukha niya nung sinabi niya na nandun si Angela!"
"Hindi. Ungas ka talaga. May pabirthday si Morales, sama ka."
"Try ko pumunta pero baka di ako payagan ni Kumander. Di pa ako nakakauwi eh, ngayon pa lang."
"Sabagay. San ka pala sasakay? O dala mo sasakyan mo?"
"Anong sasakyan pinagsasabi mo diyan eh, kakababa ko lang ng eroplano nung pinapapunta na ako dito. Nag taxi ako haha. Balak ko nga magpahatid sa PSG eh hahaha."
"Tara hatid na kita."
"Tara....sigurado ka bang okay lang na makita mo si Angela."
"Isa ka pa Miggy eh. Gusto mo bang maglakad pauwi sa inyo?"
"Hahahaha pikon!!! Angela!"
"Wala na yun no? Tsaka, naka move on na ako. Iba na laman ng puso ko pare."
"Hahaha! Talaga? Sino?"
"Wla ka na dun!"
Wala na ka dun Miggy. Kaso yung babaeng mahal ko, may mahal na ding iba eh.... tulad din ni Angela. Ang mga babaeng mahal ko puro lang mga paasa.
Sino si Angela? Please vote, comment and share. Thank you!!!- Author
YOU ARE READING
The President's Son: Lt. Juan Bustamante
ChickLitIf you read Trapped in Marriage, you would know the Presidential Twins Juan Miguel "Yuan" and Julio Miguel "Miggy" , 21. Yuan the younger of the twin by minutes, is a cadet at the Philippine Military Academy. Unlike his brother, Yuan is more outgoi...