17

7.2K 143 0
                                    

"ANAK NG—" mabilis na kinusot ni Grant ang kanang mata niya nang bigla na lang siyang ma-puwing habang naglalagay siya nang shaving cream sa kanyang baba.

Tinubuan na kasi siya ng stubbles, kaya kailangan na niyang mag-shave bago pumasok sa kompanya para guwapo pa rin, lalo na sa mga mata ni Josephine. Mabuti na lang at hindi nagka-peklat ang gasgas noon sa noo niya, kaya makinis pa rin ang mukha niya.

Nasa kusina si Josephine para magluto ng kanilang agahan, siya naman ay katatapos lang maligo, may maaga kasi siyang meeting with the other executives para sa pina-plano nilang pagpapatayo ng Electronic Manufacturing Services and Automotive dealership and distribution.

Nang mga nakaraang araw, parang ang gaan na lagi ng pakiramdam niya unlike before na lagi siyang stress and exhausted sa trabaho. Ngayon kasi kahit pagod siya, hindi pa rin niya ramdam. Kung dati ay tila ayaw pa niyang umuwi dahil sa tinatapos na paperworks sa kanyang opisina, ngayon ay hindi pa man time ng uwian niya na madalas ay seven ng gabi, gusto na niyang umuwi at iisa lang ang rason sa mga 'yon—iyon ay dahil kay Josephine.

Josephine Cabero—his energy-booster, his happiness and stress-reliever. This must be love! He's in love and this time ramdam niyang true love na ito! Napangiti siya sa kanyang naisip. She's is the loveliest girl he had ever seen.

May cute at bilogin itong mukha, chinita at magaganda ang mga mata, brownish wavy hair na lagpas balikat at matangos na ilong. Katamtaman lang ang pangangatawan nito, pero ang sabi nito ay mataba daw ito. She's always smells good and fun to be with, kaya no dull moments kapag kasama niya ito.

He had never been this happy before, kahit sa babaeng minahal niya dati—si Yuli, perhaps nasaktan lang siya sa break up nila dahil natapakan ang ego niya and he was in love with the idea of being in love. Palibhasa ipinamulat ng Mommy niya simula ng bata pa siya ang mga katagang "masarap ma-in love", dahil nga hopeless romantic writer ito, kaya nga naman ang alam niya ay in love na siya nang husto kay Yuli, naging masaya din naman siyang kasama ito, pero hindi pa siya sumaya na tulad nito—kasama si Josephine.

Naalala niya, she saw Josephine a year ago, nang matanggal ang sapatos nito and he was just behind her, hindi niya alam pero bigla na lang siyang lumapit dito, after no'n ay namalayan na lang niyang hawak na niya ang sapatos nito, kaya nagpalusot na lang siyang kunwari ay ayaw niya nang eksenang nasisilipan ang sinuman sa kompanyang 'yon, what a lame na palusot, pero mukha namang bumenta 'yon sa dalaga—and he was mesmerized with her beautiful chinita eyes, na kapag tumingin ay nakakaakit.

He was really against with that fun game suggested by his Mom hanggang sa makita niya na si Josephine ang makakapares niya, bigla yatang hinangin ang pangongontra niya. Ironic it is! At nag-e-enjoy na rin siyang kasama ang dalaga, he loves her cookings and everything.

Indeed, he should thank his Mom for this. Ito ang love cupid niya.

At sa pagkakakilala niya sa sarili niya ay hindi siya selosong lalaki, he is confident and all, pero nang umuwi siya sa hacienda nila at nakitang muli ang mga kaibigan niya, biglang umurong ang confidence niya sa katawan—para kasing type ng mga kaibigan niya si Josephine and for sure, kapag isa sa mga ito ay pumorma dito, tiyak taob na siya dahil mas showy and friendly ang mga ito kumpara sa kanya, kaya lagi niyang ginu-guwardiyahan ang dalaga. Hindi niya alam kung nagmukha nga ba siyang possessive sa pingagagagawa niya.

At gumawa siya ng mga bagay na first time niya lang gawin; ipinakilala niya si Jo sa grandparents niya, nagbigay siya ng bulaklak dito, he's crazy—pero mas nauna sa isip niyang bigyan ng bulaklak si Jo kaysa sa grandparents niya at marami pang kababalaghang pagbabago sa kanya.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon