13

6.9K 166 2
                                    


"HINDI NAMIN alam na magaling ka palang gumawa ng mga sweets, nakaka-amaze ka naman Josephine." Ani Gray.

"Alam mo Josephine, bagay tayo—magaling kang magluto, ako naman magaling kumain, we're perfect match." Nakangiting wika ni Troy.

"Tycho 'tol, bakit hindi mo kunin si Josephine bilang ka-sosyo sa food business mo, hindi ka malulugi sa kanya dahil magaling siya." Ani Gray.

"Napapaisip nga din ako 'tol e, pero baka upakan naman ako ng masungit na boss niyan." Sagot ni Tycho.

Napapangiti na lang si Josephine sa usapan ng tatlo, habang abala pa rin siya sa paggawa ng yema, pulvoron at espasol na dadalhin nila mamaya ni Grant sa "Home for my buddies". Maaga siyang nagising para tumulong sa kusina sa paghahanda ng agahan at naisipan na rin niyang gumawa ng sweets.

Sakto namang napadaan ang tatlong kaibigan ni Grant sa mansion, galing sa pagjo-jogging nang makita daw siyang dumungaw sa bintana kanina. At nang malaman ng mga ito na gagawa siya ng sweets ay hindi na siya nilubayan sa kusina hanggat hindi daw natitikman ng mga ito ang ginawa niya.

"Jo, umalis ka na lang sa kompanya ni Grant at sa kompanya ko na lang ikaw magtrabaho, baka mas lalong lumago ang Arenaz Food Corporation." Nakangiting biro ni Tycho.

"Asa ka naman 'tol! Hindi papayag si Grant," ani Troy sa kaibigan, saka bumaling sa kanya ang binata. "Sa Perez Group of Companies ka nalang magtrabaho, dodoblehin ko ang sahod mo sa Mondragon Corporation." Nakangiting sabi nito.

Pareho silang natawa ni Gray sa sinabi ni Troy. "Troy 'tol, ni ayaw ngang ipahiram ni Grant sa 'yo si Josephine, kukunin pa kaya?" naiiling na sabi ni Gray. "Pero 'di nga Jo, kung sa Montefalco Corporation ka na lang kaya? We operate Airlines, malilibre kita ng around the world trip." Nakangiting biro nito.

"Ako ang nauna!" ani Troy.

"'Tol, hindi siya ipapaubaya sa 'yo ni Grant, baka sa amin pwede pa." natatawang sabi ni Gray kay Troy.

Napailing na lang siya, saka muling inabutan ang tatlong lalaki ng mga sweets na na-wrap na niya sa kanya-kanyang lalagyan. Mabilis namang binuksan at sinubo ng mga ito ang ibinigay niya.

"And?" nakangiting hinihintay niya ang reaction ng mga ito.

"Shit! Ano na nga uli ang pangalan ko?" ani Troy. Natawa tuloy siya sa pagka-OA na reaksyon nito.

"Jo, ang sarap!" ani Gray, saka ito kumuha pa ng yema sa tray na hawak niya.

Umiiling namang napabaling sa kanya si Tycho. "I'm deadly serious about my suggestion to you, Josephine."

Napangiti siya. "Actually, pang-extra income ko lang ang ginagawa kong ito," sagot niya kay Tycho. "Pero kung gusto mo talaga, may mini-sweet store kami sa Pampanga, ibibigay ko sa 'yo ang numero ni Nanay para magkausap kayong dalawa. I learnt these things from them." aniya.

Biglang nagningning ang mga mata ni Tycho, saka tumango-tango. "Okay, bigay mo sa akin ang number ng Nanay mo mamaya at nang makausap na." seryosong sabi nito.

Napangiti at tumango siya dito. "Yes. Thank you, Tycho." Aniya.

Umiling-iling ito. "These sweets are the best!" anito, na nag-thumbs up pa sa kanya.

Mukhang dito na magsisimulang lumago ang sweets business ng Nanay at Tatay niya. Sa buong buhay niya, sa sweets na gawa lang nila ng mga magulang niya—siya may confident, maraming in love sa gawa nila, kaya sa marami na silang suki sa probinsya.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon