Chapter 48

729 28 11
                                    

Ricci

Two months passed since mangyari ang insidenteng 'yun.

I'm glad na hindi na nanggugulo si Denice sa akin.. at kay Mika.

"Oh saan punta?" tanong ni Andrei.

I sighed.

"Hindi mo ba naaalala brad? Alam mo namang flower boy na 'yang si Ricci!" pang-aasar ni Aljun.

Napa-kunot noo naman si Andrei.

"Tange ka talaga! Nag-ibang bansa lang nakalimot na? Uy, gising Drei!" sigaw ni Kib at binatukan si Andrei.

"Aray!" singhal niya.

"Bahala kayo diyan aalis na ako" pagpapaalam ko.

"Saan nga punta boy?" tanong pa ni Andrei nang makalabas na ako.

"Basta!" sigaw ko.

Dumiretso na ako sa sasakyan at dumaan sa Moi's flower shop.

"Hi ser! Araw-araw ka na talagang bibili ng iba't-ibang bouquet of flowers sa amin? Maraming salamat ser ah? Sana po kahit sagutin ka ng swerteng babaeng 'yun, huwag niyo pa rin po kalimutang bumili. Gudlak po ser!" sambit ng batang lalaki at naki-fist bomb pa sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at tinap ang ulo niya.

Pumasok na ako sa sasakyan at sinulatan ng message 'yun bago pumunta ng Razon.

"Nako! Iba talaga!" pang-aasar ni Coach Ramil.

Napa-awkward tuloy ako ng ngiti sa kanya.

Dumiretso na ako sa mga nagtetraining at nilakasan ang loob kong pumunta sa kanila.

First time ko lang siya abutan ng ganito sa training niya.

"Bouquet of sunflower delivery po kay Mrs. Rivero!" sambit ko.

Lumingon naman siya at ang teammates niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nag-kunot ng noo.

"Pasensya na delivery boy, sa pagkakaalam namin walang Rivero dito na player" sagot niya.

"For Ms. Mika Reyes.. soon to be Rivero po?" I asked.

She smirked.

"Yeah. That's better. Napaka-supportive mo naman. Iniisip mo kaagad future namin ni Rasheed" sagot niya.

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang mga kasama niya.

Damn! Bakit kasi hindi na lang ako 'diba?

"A-ah.. I have to go!" pagpapaalam ko at umalis na sa training area nila.

"Future namin ni Rasheed"

"Future namin ni Rasheed"

"Future namin ni Rasheed"

Sa inis ko ay hinampas ko ng malakas ang busina ko na ikinagulat at ikinainis ng mga taong dumadaan sa pedestrian lane.

Shit, sana hindi nila ako marecognize sa tinted screen ko sa harap dahil baka mabash na naman ako.

Pagkauwi ko ng condo ay bumungad kaagad sa akin sina Aljun.

"Oh kamusta?" tanong ni Aljun na may halong tawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Takte pre! Tinutuloy-tuloy mo pa rin pala ang pagbibigay ng bulaklak sa kanya? Eh pwede namang ipautos mo na lang sa mga driver niyo diba?" halakhak ni Andrei.

ReboundWhere stories live. Discover now