Too late na para marealize ko kung ano ang ginawa ko, I almost shiver nang magdapo ang aming kamay.. So i decided to withdraw my hand.
And that was the day na inamin ko sa sarili ko, na-love at first sight ako.....
"Shit! Wala akong payong!" mahinang mura ko. Naiwan siguro sa bahay.. Pauwi na ako nang biglang bumuhos ang ulan at wala si Trevor para ihatid ako pauwi dahil may practice pa yun para sa event na gaganapin sa school namin. Trevor was the President sa college niya.
Naghanap ako ng masisilungan dahil baka mabasa ang mga gamit ko.
Naghintay ako ng jeep na madalang kapag ganitong umuulan, nilalamig na rin ako dahil napapatakan pa rin ako ng ulan dahil maliit lang ang napagsilungan ko.
Tinignan ko ang mga patak ng ulan sa daan when I realized na hindi na iyon tumutulo sa akin... Marahas na napatingala ako. Nakita ko ang isang payong na humaharang sa ulan para hindi ako mabasa tsaka ako napalingon sa may hawak doon. Julian.
Lumipat pala siya sa university namin at lagi na namin siyang kasama ni Trevor. I learned na Julian was the total opposite of Trevor. Although rich and handsome, may pagka bad boy siya. Ginagawa niya ang lahat ng gusto niya na parang walang gustong marating sa buhay.
"Salamat.." nasabi ko na lang.
He smiled. "Wala 'yon. Girlfriend ka naman ng best friend ko ee"
I suddenly felt sad. Ganon?
Tumahimik na lang ako.
"Tell me, do you really love him?" biglang tanong ni Julian.,
Napalingon ako, "Excuse me?" parang nairitang tanong ko. Pero deep inside, kinabahan ako.
Tumingin siya sakin ng seryoso. "Mahal mo ba si Trevor?"
"O-of course." pagsisinungaling ko.
Alanganing ngumiti siya. Wait, was that jealousy i saw in his eyes? No, probably not.
"Good. Wag mo sanang saktan siya.... yun na lang.." sabi niya.
Then we suddenly found each other talking about our lives, yes, sa gitna ng ulan.. sa ilalim ng isang payong. Ang dami kong nalaman sa kanya, nagrerebelde siya dahil sa parents niya. At simula nun, naging close kami, nagkakasundo kami, nagkakatuwaan, nandiyan kami parati para sa isa't isa... and we realized na... na... mahal na namin ang isa't isa. Lihim kaming nagmahalan, behind my boyfriend's back.
Pero, naisip ko pa rin ang future ko. Kailangan kong mamili. Ano ang mapapala ko kay Julian? Wala siyang mararating... pero kay Trevor...
So I decided to end our relationship, my relationship with Julian..
"Wala akong mapapala sayo.. so let's end this. I'd rather choose Trevor over you dahil siya ang pangarap kong makasama... katulad niya... not like you"
Puno ng hinanakit ng mata niya. I want to take back my words, but my brain told me not to. "Mahal mo ba ako?"
Matagal bago ko iyon nasagot. "Hindi" I lied. I love you so much but I can't sacrifice my life..
*end of flashback*
And now, sising-sisi ako. When I rejected him, para na ring nawala ang buhay ko...
At ngayon, mukha siguro akong tanga na nakasalampak sa lupa, partida pa na may mascara ako na ngayon siguro ay pinagmukha na akong aswang dahil nababasa ng ulan dahil di naman yun waterproof and the most embarassing part was I am wearing a very fancy wedding dress on. Sa gitna ng ulan at nagpapakabasa. Hindi alam kung saan pupunta.
I run away from my wedding, wedding with Trevor. Ayoko nang mamuhay sa kasinungalingan, ayokong habang buhay lokohin si Trevor na hanggang ngayon ay hindi ko natutunang mahalin.
And Trevor was the one who told her to runaway..
"I love you so much but i won't be happy with you if i know myself that you're not happy being with me because there's a fact that someone have already occupied your heart and i know it's not me.. Mas ikasisiya kong makitang masaya sa piling ng iba.. i want you to be happy Liah" that was the exact word he said to me. Hindi ko alam kung pano niya nalaman pero masaya siya sa ginawa nito, too bad Inever fall for him even though I tried to.
Noon ko napansin ang isang payong na nasa harap ko, naalala ko si Julian..Nanlaki ang mata ko at napatingala.
And then, doon ko na nakita si Julian, na basang basa ng ulan but still handsome with his expensive tuxedo, he was the best man of my wedding. And not just that, isa na siyang succesful businessman
"Baliw ka ba? Bakit ka nagpapaulan? Tatakbo takbo ka tapos di ka man lang nagdala ng payong? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala ha!? Tanga ka ba!?" galit sigaw niya.
"OO! Siguro! Baliw na ako! I'm crazy! i am! I let go of the man I love to have the life i dreamed of! I let go of him because I thought I am making the right choice. Tanga nga rin siguro ako! Kasi.... kasi... kahit mahal na mahal kita..... I let go of you, kasi selfish ako, kasi mas pinili ko ang buhay na gusto ko, pero i realized na... ano pang silbi nun? Kung ikaw ang buhay ko? Sabihin mo... ang tanga ko diba? Kasi mahal kita pero hindi ikaw yung pinili kong pakasalan...!!!" sigaw ko habang lumuluha.. sa gitna ng daan, kasabay na din ng pagbuhos ng ulan..
Bigla niya akong niyakap. "Oo, ang tanga mo.. kasi di ka nagdala ng payong... ayan.. nabasa ka na.." naging malumanay na ang boses niya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. "Ako rin, ang tanga ko, kasi hindi kita ipinaglaban.. sumuko ako, kasi sabi mo, hindi mo ako mahal.. sabi ko sa sarili ko, ano pang pag-asa ko? kung mahal mo ang kaibigan ko? kung hindi ako ang may-ari ng puso ko... Tanga rin ako kasi, pinabayaan ko ang buhay ko, nagrebelde ako, kaya ayaw mo sakin... kaya nagsikap ako... para.. para mahalin mo.."
"Pero nalaman ko ang tungkol sa kasal niyo, nanghina ako, pero pinilit kong magpunta at I tried to be happy para sa inyo kasi kapag nakikita kitang masaya... siguro, i'll move on. Pero you ran away, then nalaman ko ang totoo kay Trevor, you never loved him. Sabi mo, ako ang mahal mo... Mahal din kita, mahal na mahal... Oo, baliw ka, baliw tayong dalawa.. kasi mukha tayong tanga dito sa daan.. baka pinagtitinginan na tayo..." nagtawanan kami. Then he let go and stared at me.
"Wag ka nang mag-alala.. ako na yung pakakasalan mo.." sabi niya and right there, at the middle of the street, sitting, me, wearing a wet fancy wedding dress and him, wearing a wet expensive tuxedo, with an umbrella infront of us and in the middle of the rain, he kissed me.
---------------------------------------------------------------------------------------
"Ang kulit kulit nang inaanak ko!" reklamo ni Trevor.
Nagkatawanan kami ni Julian. Hanjiro, our son, was running after with his Ninong outside, sa garden with a water gun on his hand.
I leaned on Julian's shoulder. Now, i might not chose the right prince, but i chose the prince that I love, isang guwapo, matalino, makulit, mayaman, maalagang asawa..... and naughty too. Dahil ngayon ay kung saan saan na naglalakbay ang almighty hands nito.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hope you liked it >:DDDDDDDDD
This is the story two of my one-shot collections.
COMMENT ANYTHING :))))))) Kahit ano, basta magcomment kayo...
and vote na rin kung gusto niyo..
to YhnaJulianda, ayan na po.. dedicated na sayo~~~~~ Keep on reading thanks!
BINABASA MO ANG
A Collection of ONE SHOT STORIES.
RandomNagkaroon ka na ba ng "What if"s sa buhay mo? Particularly, sa love life? Nakakaiyak, nakakapangiti, nakakakilig, nakakainis ang halu-halong emosyon ang iyong mararamdaman. Meet the different characters of each stories.....
[ONE-SHOT] Payong.
Magsimula sa umpisa