[ONE-SHOT] Payong.

12.3K 400 42
                                    

Tinignan ko ang mga patak ng ulan na lumalagpak sa lupa. Dinaramdam ang malamig na simoy na hangin na dumadampi sa aking balat. Pumikit ako at pinakinggan ang bawat buhos ng ulan na nangingibabaw sa katahimikan ng paligid.

Kasabay ng pagdaloy ng tubig mula sa langit, ay ang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.

At ang pagdaloy ng mga alaala...

at ang paulit-ulit na sambit ng salitang.. "I'm sorry.."

It's been five years, since I last saw him, and five years na rin akong nagsisisi kasi wala na siya sakin, ipinagtabuyan siya.. kasi nagsinungaling ako sa kanya.. kasi selfish ako.

And I saw him today.. ang araw na matagal kong pinaghandaan, ang araw na matagal kong inisip na tama, na akala ko hindi ko pagsisisihan, pero .. pero... what i thought was a mistake.

Nawala ang buhay ko.. And that was Julian.

*Flashback*

"Liah!"

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro nang may tumawag sakin, i was at the back of our school's main building, reading. I smiled when I recognized the voice of Trevor, my boyfriend and my future husband.

Yes, future husband. Trevor was the guy I see myself with on the next twenty years and so on. He was the perfect husband-material. Masipag, matalino, gwapo, mayaman, maaalahanin, maalaga and, he loved her. OR IN SHORT, THE PERFECT PRINCE.

I felt some guilt inside, I really like Trevor but, I never loved him. Yes, I don't love him.

Alam kong parang nagiging unfair ako sa kanya, but I never failed as a girlfriend, kung gaano siya kaalaga sa akin ay ganoon din ako sa kanya.

Siguro, naitatak ko na lang sa isip ko na "true love doesn't exist" and I have to be practical, kailangan ko ng katulad ni Trevor na perfect husband material to have a perfect family. Maybe not too perfect, but perfect in the sense na kahit hindi ko siya mahal, nagkakaintidihan kami. That was enough para pakasalan ko siya.

Trevor was actually now my fiancee, nagpropose na siya sakin at pumayag ako. Pero kailangan muna naming tapusin ang college namin na ngayo'y isang taon na lang dahil 4th year college na kami.

Yes, everything is set. Everything is planned.

"Babe, i want you to meet my best friend, yung sinasabi ko sa iyo? Meet Julian Hener, the almighty heartthrob of Graven School!" he was talking about his previous school when he was still in high school. Narinig ko na ang pangalang "Julian" mula na din kay Trevor, best friend nga niya.

Still, I didn't took my eyes off of my book. Hindi pa rin ako lumilingon.

"Ikaw talaga Trev! Pati ba naman sa girlfriend mo sisiraan mo ako? Batukan kita diyan ee! Wag kang maniwala dito sa boyfriend mo... gwapo lang talaga ako at inggit lang siya..." sabi ng sa palagay ko ay yung "Julian" at tsaka tumawa.

"Hoy! Anong inggit? Para sabihin ko sa iyo, sa iyo na lahat ng babae mo, sapat na sakin si Liah. Ikaw nga, magtino dyan! Humanap ka na ng babaeng matino!" bawi naman ni Trevor. Nagtawanan ang dalawa.

Doon ko isinara ang librong binabasa ko. At unti-unting lumingon. Napahinto sa pagtawa si Julian at napatitig sa akin. As if he was mesmerized.

I tried hard not to blush. Feeling ko, any time mamamatay na ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko hindi ako makahinga. At parang may naramdaman akong parang kuryenteng kumiliti sa pakiramdam ko or was it sparks?

Tumikhim ako and that was when Julian realized what he was actually doing at tumikhim din siya na parang ewan.

I smiled. "Hello Julian, I'm Liah, Liah Manzano.." Inilahad ko ang kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Collection of ONE SHOT STORIES.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon