Hey Guys. Sorry for the super super late update. I have been busy with my thesis and other stuff. I hope you guys understand. Pasensya na talaga kayo.Normally, dapat may practice muna bago graduation. But I don't know how you guys practice for graduation in the Philippines.
Enjoy Reading <3
Note: In ILYUniversity pag graduation day required silang magsuot ng formal dress or what basta hindi uniform. Btw, sorry kung may typos. I typed this on my phone and I didn't bother to edit this.
_________________________
Mich POV
This is it.
Our graduation day.
Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang umiihi at tumatae pa ako sa pants ko. Lol. Anyway, mag-gragraduate na kami in 4 hours! Sobrang excited na ako!! I can't wait to step out of my high school life and move -on to the college life. Kasama ko sila Ella, Roch at Yumi ngayon. Napag-usapan kasi namin na sa iisang parlor lang kami magpapaayos. At yun ay ang parlor nung baklang nag ayos sa amin nung prom namin.
Sinuot na naming yung dress na nabili namin kahapon and I can say na sobrang ganda ng mga binili namin.
Ang nabili ni Ella ay single strap blue dress. A little above the knees yung dress. May black beads below her chest na para bang belt. At may glitters yung tela sa baba ng black beads hanggang sa dulo ng dress. Sobrang ganda. Si Roch naman ang nabili niya ay black sleeveless dress na may white belt. Hanggang tuhod yung dress niya. Simple but elegant. Si Yumi, white sleeveless lace dress na hanggang tuhod. Tapos pinatungan niya ng black cardigan na naka-roll up yung sleeves. Ang cool tingnan. Tapos ako, sleeveless floral dress na hanggang tuhod. May black belt siya na may white rose sa left side for decoration. Sobrang simple siya but cute. Well, at least, I hope so.
Dalawa yung hair stylist at dalawa rin yung mga taga-make-up. Sina Ella at Roch ay yung inayusan ng buhok, habang kami ni Yumi ay minake-upan.
"Ay shemaaay! Sobrang excited na ako for our graduation mamaya!" tili ni Yumi.
"Ako rin!" sang-ayon ni Roch. "Ate, gandahan niyo po yung pag-ayos ng buhok at make-up ko ah. Dapat magbago yung nararamdamn ni Gian para sa akin. Dapat hindi na lang basta crush kundi love." sabi ni Roch.
"Landi mo!" sabay-sabay naming sigaw at binato namin sa kanya yung magazine na hawak namin. Buti na lang at wala tao sa parlor ngayon. Hindi kasi inopen nung bakla yung parlor. For today his parlor is for our service only. Hihi.
"Basta ate dapat po pa-gandahin niyo po ako." sabi ni roch dun sa nag-aayos sa kanya.
"Ako din ate dapat maganda ako." sabi ni Yumi
"Kanino ka nagpapaganda?" tanong ni Ella
"Para ba kay Jake o kay Errick?" tanong ko.
"O baka naman para sa dalawa? Hmm." Roch
"Ang haba ng hair mo teh! Two boys after you!" sigaw ko.
"Heh. Wag nga kayo." Yumi
Nagtawanan kami. "Kay Ella obvious na obvious kung kanino nagpapaganda." sabi ko
"To the one and only Patrick Rivero." sabi ni Roch
"Sus. Di ko na kailangan magpaganda noh! With or without make-up and kaartehan sa katawan. I'm still beautiful in Patrick's eyes." confident niyang sinabi.
"Puh-lease! Masyado kang confident. Hahaha." Roch
After 3 hours ng pag-aayos sa amin ng mga stylists. Natapos na din kami. Agad-agad kaming pumunta -with our parents --sa venue kung saan gaganapin ang graduation ceremony.
BINABASA MO ANG
Girls vs. Boys
Teen Fiction"We met at the wrong place and at the wrong time but I know you are the right person."