Pinaalam na ako ni Ricci kila Mommy at Daddy na iuuwi niya na ulit ako sa Manila.
Ano pa bang magagawa ko?
Tinulungan niya akong maglakad pababa ng hagdanan.
"Omg Ye! Bakit papilay-pilay ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
Namula naman kami ni Ricci.
"A-ah... my God! Dalaga ka na talaga baby girl!" sambit ni Mommy.
"Ma!" suway ko.
Tumawa naman siya.
"Oh sige, mag-iingat kayo ha? Ye, iwan mo na muna sasakyan mo dito okay? Isusunod na lang ng Daddy mo kapag may time siya" giit ni Mommy.
Napatango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi.
Inalalayan ako ni Ricci papasok ng sasakyan niya bago siya sumakay.
Ikinabit niya na ang seatbelt sa akin bago pinaandar ang sasakyan.
Tahimik lang ako sa biyahe.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako kay Ricci o ano eh.
Eh paano naman kasi! Yung nangyari kanina!
Nagulat ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"You're driving!" suway ko pero hindi siya nakinig.
Binaba niya ang kamay niya sa hita ko.
"We can't—"
"Masakit pa ba?" tanong niya.
Tumango na lang ako.
Akala ko naman aanuhin na naman ako ng lalaking 'to habang nagdadrive eh!
Aba, namimihasa ang Dalagang Pilipina?
Ano ba self! Pigilan mo nga sarili mo. Jusko.
He laughed.
"Tangina mo babe. Tatawanan mo lang ako pagkatapos ng ginawa mo sa akin!" singhal ko at tumalikod sa kanya.
"Uy babe sorry na" sambit niya at tinatapik pa ako sa braso.
"Ricci Paolo Uy Rivero nagdadrive ka diba?! Umayos ka nga! Kapag naaksidente tayo niyan eh.." suway ko.
"Sayang ang gwapo mong mukha.." dagdag kong pabulong at tumingin na lang sa bintana.
"Eto na po miss Mika Aereen Marcaliñas Reyes. Sayang naman gwapo kong mukha kapag naaksidente pa tayo" saad niya at humalakhak.
Aba balak mo pa talaga mang-asar, ikaw lalaki ka?!
"Bahala ka diyan" inis kong tugon at pumikit na lang.
Gusto ko na lang matulog.
Ricci
Nakatulog na ang babae sa tabi ko.
Alam kong napagod ko 'yan kanina.
That moment of ours is fucking intense!
She... she trusts me... right?
Dahil kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan ay hindi mangyayari 'yon kanina.
Good timing talaga sila Tito at Tita, mabuti at wala sila.
Pero..
May nangyari man sa amin o wala, ang importante naman doon ay ang tunay na pagmamahal namin sa isa't-isa.
Tumingin ako sa phone ko na naka-Waze at ang sabi ay tatlong minuto na lang ang biyahe.
YOU ARE READING
Rebound
FanfictionMika Reyes and Ricci Rivero Fan Fiction. Created: 01-02-18 Highest Rank - #1 animo #2 rivero #3 dlsu #3 mikareyes