Chapter XXIII

1.5K 53 1
                                    

Iniisip ko padin ang sinasabing Warning ni Hara. Alas 5  na ng hapon at nandito padin ako sa dorm nang biglang nagsalita si alesa.

'Kung ako sayo di ako maniniwala sa sasabihin ng iba.' panimula niya.

Halatang kataka taka ang sinasabi niya dahil paano niya nalaman ang usapan namin ni Hara eh wala naman siya nung mga oras nayun sa room at isa pa di kami magkaklase.

'Anong sinasabi mo?' maang maangan kong tanong.

'Wag kana magkaila Les, Kung gusto mo mapahamak edi go! Concern lang naman ako sayo.' bigla siyang ngumisi ng sinabi ang mga katagang 'yon.

Tinaas ko naman ang isa kong kilay at biglang nagsalita.

'Concern? Wow! Ngayon lang kitang nakitang naging concern sakin sweetie.'

Plastikan pala ang gusto nya! Oh c'mon.

'Dahil sa gagawin mo manganganib ka. Sinasabi ko to sayo kasi ayokong mapadali ang buhay mo.' pamamlastik pa niya.

'I don't care about what you're sayin'. I will do what I want because my life is not yours.'

Pagtataray ko.

Pagtapos kong sabihin yun hinayaan niya nalang ako.

Eto nako ngayon palabas ng Dorm nang may bigla akong naririnig na umiiyak.
Nang sinundan ko kung saan yun.

Nakita ko ang isang batang umiiyak. Di ko naman masasabing sobrang bata pero mukha siyang bata o siguro sadyang baby face lang.

"Hi?" mahinahon kong sambit.

Di niya ako pinapansin at umiiyak padin.

"Gabi na bakit nandito ka padin?" dagdag ko pa.

Di padin siya nagsasalita hanggang sa iangat niya ang ulo niya sa akin at nagulat ako sa mga sunod sunod na binitiwan niyang salita.

"Ate pls wag ka pumunta."

"Pls, Ate"

"Pls"

Anong meron sa batang to? Parang nakaramdam ako ng kaba sa mga sinasabi niya.

"Bakit naman ako wag pupunta?" maamo kong tanong.

Di ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin o ipahiwatig pero imbis na sagutin niya ang katanungan ko, iniwan niya lang ako na tila walang nangyari.

Naglalakad lakad nako at malapit nako sa kasunduan namin ni Hara. Pero parang may mga yabag na nakasunod sa akin.

Hindi ako natatakot.

Dahil sigurado ako na tao rin lang ang mga nasa likod ko.

Masasabi kong marami sila dahil sa dami ng yabag na naririnig ko at feeling ko may gagawin silang hindi maganda sa akin.

Pero nang makarating nako sa lugar kung san namin napagsunduan nawala nadin ang mga yabag sa likod ko.

Siguro imagination ko lang yun?

Pero hindi.

Hindi maaring imahinasyon ko lang dahil rinig na rinig ko at ramdam na ramdam kong totoo ang mga yabag na yun.

Nang mapatingin ako sa Relo ko 5:57pm,

Maghihintay nalang ako hanggang dumating si Hara at para malaman ko ang mga warning na sinasabi niya.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon