CHAPTER 3 PART 1

3.4K 107 8
                                    


Inis na napabalikwas si Kai ng bangon sa kama nang marinig ang pagbukas ng pinto sa silid niya.

“Dad! please saka na lang tayo mag usap,” mainit ang ulo na sabi niya nang tumambad sa kaniya ang nag aalalang anyo nito.

“Are you okay, son?” lumapit sa kaniya ang daddy niya at dinama ang noo niya.

Ang assistant naman nito na si Gun ay nakatingin lang sa kaniya at alam niya na nagtataka na din sa nangyayari.

“Wala ka bang lagnat?”

Napangiwi siya at mabilis na umiwas sa kaniyang ama. Binalot niya ng makapal na comforter ang buong katawan at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Naupo naman ang daddy niya tabi niya at masusing pinagmasdan siya.

“What?” naiiritang tanong niya.

“What do you want?” nakakunot noong balik tanong naman nito sa kaniya.

Hindi agad siya nakapagsalita. Nahalata ba nito na kaya hindi siya mapakali ay dahil may bagay na naman siya na gustong makuha?

“Anak kita kaya alam na alam ko kung may problema ka o wala,” anito.

Jeez!

Papaano ba niya sasabihin sa
ama ang malaking problema niya? pwede ba niyang sabihin dito na may babaeng sumumpa sa kaniya kaya halos hindi siya matahimik.

“Hah!” nagulat siya ng bigla ay tumunog ang cellphone ng daddy niya. Tutop ang dibdib at parang sasabog ang ulo na tumingin siya dito.

“Sorry, naka-alarm kasi ng 11:11 ang cellphone ko dahil dapat ay may meeting ako ngayon na kinailangan ko pang icancel para lang alamin ang kalagayan mo.” sagot ng daddy niya.

Natigilan siya at bigla ay pinagpawisan na naman siya ng malamig. Pakiramdam niya ay nababalot ng makakapal na yelo ang buong katawan niya.

“Ano ba ang nangyayari sa'yo?” nagtatakang tanong ng daddy niya.

“Ayokong sumapit ang oras na 11:11!” natatarantang sabi niya sa ama.

“Tristan Kai!”

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang ama at nagsalita. Ilan beses siyang umiling bago muling nagsalita
.
“Dad makinig ka sa akin. M-may babaeng—may.. shit!” natutop niya ang noo ng hindi niya maituloy ang sasabihin. Bigla ay parang nablangko ang isip niya.

“M-may nabuntis ka? magiging lolo na ba ako?”

“Dad!” bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. Lumayo siya dito at muling binalot ng comforter ang buong katawan.

“Hindi ba?” dismayadong sabi nito sa kaniya.

“Bakit ba pakiramdam ko mas malulungkot ka pa kapag sinabi ko na wala akong babaeng nabuntis? Daddy twenty two pa lang ako, gusto mo ba na masira ang buhay ko?” kunot noong turan niya.

Taas baba ang dibdib habang ito naman ay naiinis na tumingin sa kaniya.

“Ikaw na bata ka talaga. Hanggang kailan ka ba talaga magiging ganiyan? Kailan mo ba balak ayusin na ang buhay mo? Aba’y halos malibot mo na ang buong mundo dahil sa kaliliwaliw mong bata ka! Bakit hindi mo tularan ang pinsan mong si Aivan? kahit nanggaling rin siya sa mayamang pamilya ay mas pinili niya ang magtrabaho kapag may bakante siyang oras.”

Napaismid siya dahil sa mahabang litanya ng daddy niya. Aminado naman siya na puro sakit ng ulo ang ibinibigay niya sa mga magulang niya. Pero hindi siya papayag na ikumpara siya ng mga tao sa pinsan niya.

Magmula pagkabata ay naiinis na siya kay Aivan. Madalas kasi itong purihin ng mga kamag anak nila kaya abot hanggang langit ang inis niya dito. At isa pa ay may atraso ito sa kaniya noong nasa highschool pa sila kaya malaki ang galit niya dito.

“Dad pwede ba? 'wag mo nga akong ikumpara sa isang iyon.” angal niya.

“So, ano nga ang tungkol sa babaeng nabanggit mo kanina?”

Natigilan siya nang maalala ang problema niya. Mangiyak ngiyak na tumingin siya sa daddy niya.

“Anong problema?” nag aalalang tanong nito. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

“M-may babaeng mangkukulam sa school mo daddy. Isinumpa niya ako! A-ang sabi niya.. ang sabi niya..”

“Ano ang sabi niya?” niyugyog siya nito.

“A-ang sabi niya sa tuwing sasapit ang oras na 11:11 ay wala ng ibang papasok sa isip ko kundi siya. Daddy please help me, halos hindi na ako makatulog. Hindi na ako makakain, kahit hindi 11:11 ang oras sumasagi pa rin sa isip ko ang mukha niya. Anong gagawin ko?” alam niyang iisipin ng iba na kalokohan lamang ang sinasabi niya.

Pero papaano nga ba niya ipapaliwanag ang mga bagay na nangyayari sa kaniya ngayon?

Pagdating sa salitang ‘kulam’ ay may phobia na siya. Ilang babae na ba ang nagbanta na ipapakulam siya dahil sa mga kalokohan niya? noong bata pa siya ay naging usap usapan na ng mga kasambahay nila ang tungkol sa kulam dahil sa isang pinsan ng kaniyang ama na si tito Ysmael.

Noong binata pa ito ay nagkasakit ito ng malubha at ang sabi ng iba ay ipinakulam daw ito ng dating kasintahan nito dahil sa pagiging malikot nito sa mga babae. Kahit wala pa siyang gaanong maalala sa nakaraan ng tiyuhin ay nakita niya ang paghihirap nito dahil sa sakit.

Halos hindi na ito kumakain noon at kahit ang doktor daw ay hindi maipaliwanag kung ano nga ba ang naging sakit nito bago ito pumanaw.

“Anak..” hindi makapaniwalang hinaplos nito ang mga pisngi niya.

“Daddy anong gagawin ko? nababaliw na yata ako. Sa tuwing gigising ako ay mukha niya ang unang sumasagi sa utak ko. Sa gabi naman halos hindi na ako makatulog, kahit sa panaginip ko siya pa rin ang nakikita ko. Lahat ng gagawin ko palaging siya ang iniisip ko.” tuluyan na siyang napaluha.

Magmula nang isumpa siya ng bwisit na babaeng mangkukulam na iyon ay nagulo na ang buhay niya.

“Anak normal lang 'yan,”

“Huh?” naguguluhang tanong niya.

Napaawang ang mga labi niya ng mapansin ang masayang reaksiyon ng kaniyang ama. Bakit parang masaya pa ito kahit may sakit na siya? ngumiti ito sa kaniya bago bumaling sa isang tauhan nito.

“Gun, in love na ang anak ko. Sa wakas may pag asa na siyang magbago.” masayang humalaklak pa ang daddy niya.

“I-in love?” halos hindi na humihingang sabi niya.

Bakit parang may pumitik ng malakas sa loob ng dibdib niya matapos marinig ang sinabi ng ama.

Hindi kaya….. noooooooo!

BE MY GIRL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon