“Hihihihi!”
“Ay!”
Napahagikhik si Chari nang makita ang takot sa mukha ni Alicia. Halatang nagulat ito sa biglang pagsulpot niya sa harap nito.
“Charity!” malakas na tili nito at naiinis na hinampas siya ng hawak nitong panyo. “Wala ka na naman magawa sa buhay.”
“Sorry na,” natatawang saad niya at pilit na iniwasan ang mga hampas nito. Katatapos lamang ng stage play nila kung saan siya ang gumanap na step mother ni Snow White.
Sa huli ay tumanda at pumangit ang character niya sa story kaya ganoon ang custome niya ngayon.
Nakasuot siya ng kulay itim at mahabang bestida. May itim na sombrero sa ulo niya at kinulayan ng puti ang buhok niya. Kulay itim din ang ginamit niyang lipstick kaya kahit marahil sino ay matatakot talaga sa kaniya.
Project nila sa English subject ang stage play na ginanap ngayon. Ang mga audience nila ay ang mga batang estudyante na nag aaral sa kalapit na eskwelahan nila.
“Okay ba?” tanong niya kay Alicia at umikot sa harap nito.
“Mukha ka talagang witch,” sagot nito.
Maliban sa kaibigan niya si Alicia ay kaklase niya rin ito. Kagaya niya ay nasa ikatlong taon na rin ito sa kolehiyo at Education din ang kurso nito.
“Hehe!” pinaglaruan niya sa kamay ang sumbrerong suot niya kanina.
Sa halip na magbihis ay nagpasiya na muna siyang maglakad lakad sa labas ng gymnasium dahil marami pang tao sa loob ng dressing room. Wala siyang balak na makipagsiksikan sa mga kagrupo niya.
“Oo nga pala! hindi mo pa sinasabi sa akin hanggang ngayon kung bakit hindi ka sumipot sa lakad natin.” bigla ay tanong sa kaniya ni Alicia.
Natigilan siya. Kamuntik nang malaglag ang hawak niyang sumbrero ng may bigla siyang alaala.
“Naku pwede ba. Ayoko nang maalala ang nangyari at kumukulo lang ang dugo ko,”
“Pero bakit nga?” naguguluhang tanong nito.
Kainis!
Kahit yata kili-kili niya ay pinagpapawisan na dahil sa mga tanong nito. Bakit ba hindi ito makontento sa sagot niya?
Pagkatapos kasi niyang tulungan ang isang mayamang ginang ay nakatanggap siya ng text kay Alicia na hindi na matutuloy ang pakikipagkita nito sa babaeng nakita nito na kasama ng nobyo. Niyaya siya nitong kumain sa paborito nitong restaurant para daw mawala ang stress nito. Sumang ayon naman siyang samahan ito kahit medyo malayo ang location nito. Nagtext na muna siya na uuwi saglit para alamin kung kumain na ang ama bago puntahan ang kaibigan.
Pero hindi nangyari ang inaasahan niya dahil sa restroom pa lang ay may manyakis na lalaki ang bigla na lang pumasok sa loob ng cubicle at hinalikan siya.
Grrrr!
Maisip pa lang niya ang lalaki ay talagang kumukulo na ang dugo niya.
“Ah! basta! ayoko nang maalala dahil para lang akong nagsasayang ng laway kapag idinetalye ko pa sa'yo ang buong pangyayari.”
Utang na loob! Papaano ko sasabihin na sa restroom ng mall ko unang naranasan ang first kiss ko!
“Ganoon ba kasama ang nangyari?”
“Mas masama pa sa inaasahan mo!” mariing sabi niya. Itinikom niya ang mga labi pero hindi pa siya nakontento at muling nagsalita. “Dapat talaga sa mga lalaking mangyakis ay ibitin ng patiwarik.”
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...