Kabanata 8

65.2K 2.5K 603
                                    


Damn!

Week passed. Nasa loob lamang ako ng kwarto na masyadong protektado. This room is under Nanay's power. Hindi ito basta masisira kapag mula sa labas ang atake. Ginawa ito para kapag may sumugod sa palasyo ay dito agad nila ako itatago. I was really thankful about that, before. Kung mula naman dito sa loob, hindi ako makalalabas nang ganoon kadali. Dahil pa rin iyon kay Nanay. No one can enter this room without Nanay's blessing.

Sa loob ng isang linggo ay pinapadalhan lamang ako ng pagkain. This room is just like my room. Mayroong kama, closet at lahat ng necessity. But the comfortness isn't around. Iba pa rin pala ang kwarto ko kumpara sa lugar na ito.

I sighed and stared at the ceiling. Hinaplos ko ang malambot na kama at muling bumuntong-hininga sa pang-ilang beses na pagkakataon. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Ngunit alam kong mas higit pa rin ang luha na aking inilabas kumpara dito. The first three days, all I did was to cry. Puno ng sama ng loob ang puso ko. Nahahati sa pagtatampo at inis para sa magulang ko at sa inis at galit ko para sa aking sarili. Para sa ginawa kong pagsigaw sa kanila at pagsagot.

Kahit anong sama ng loob, dapat ay 'di ko iyon ginawa. I feel so guilty because I'm sure and aware that I felt angry towards them. Alam ko sa sarili ko na nagalit ako sa kanila at sa tingin ko ay 'di tama ang emosyon na iyon para maramdaman ko sa aking mga magulang. I know that they love me. Hindi dahil sa nararamdaman ko, kung hindi dahil sa sinabi nila iyon sa akin. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko iyon huling narinig mula kay Nanay.

Pero para sa akin, hindi sapat ang salita. Mas gusto ko na nararamdaman ko ang pagmamahal nila. They lack on action because their full attention were never mine. Lagi akong may kahati. And the goddess know that hindi ako galit sa kapatid ko, kay kuya Dustin dahil nasa kaniya ang atensyon nila— lalo na ni Nanay. Hindi ko naman kailangan makipagkompetensya. Because from the first place, they should've given that attention to me,9 unconditionally. Ngunit hindi, kaya pinagkakasya ko na lamang ang sarili kahit sa munting atensyon at pagmamahal. Halos magmakaawa ako para doon. Pero ipinagkait pa rin.

At ngayon, maging ang kalayaan ko ay pinagkait na rin. Dati, ang tingin ko sa palasyo ay isang kulungan. Dahil simula noon, hanggang sa lumaki ako ay sa loob na ako ng palasyo nanatili. Bilang lamang sa daliri sa kamay ang beses na nakalabas ako nang palasyo. Kasama na roon ang ginawa kong pagtakas. Tapos ngayon, heto, nakulong ako sa loob ng panibagong kulungan sa loob muli ng dati ko ng kulungan. Mas maliit, mas nakalulungkot.

They tried to visit me. Nanay and Tatay visited me on my first night here. Ngunit ipinakita ko na nagtatampo talaga ako, kaya umalis din sila nang 'di ko kinausap. And after that, wala na. Hindi na nila ako binalikan. Maybe, they just felt guilty that night. Because somehow, they learned that their remaining child doesn't feel good towards them. At lumipas nga ang mga araw ay 'di na nila ako binalikan. Para saan pa nga ba, 'di ba? Ano nga lang ba ako sa kanila? Of course, everything will be back to normal. Maghahanap sila muli at ako, kakalimutan muli.

Napatingin ako sa pinto nang dahan-dahan iyon na bumukas. Kamila entered the room. I sighed and sat. Maliit siyang ngumiti sa akin at isang tango ang aking sinukli. Tulak niya ang cart na naglalaman ng aking mga pagkain. Tumayo ako at sumunod sa kaniya sa mesa. She put the foods on the top of the table while I sat and watched her. Nang matapos ay dinampot ko ang kutsara at tinidor.

"May mga dala rin ako na libro, prinsesa."

Mula sa ilalim ng cart ay kinuha niya ang tatlong libro na tama ang kapal. Ngumiti siya na tila inaasahan na magugustuhan ko iyon. Na mapapawi noon ang lahat ng nararamdaman ko. So I nodded because I know the feeling of being disappointed.

"Salamat, Kamila. Sumabay ka na sa akin na kumain," saad ko. Bahagya siyang umiling.

"Hindi na, mahal na prinsesa. Ihahanda ko na ang iyong papaliguan." I nodded when I realized that it isn't necessary for her to eat foods. Pinanood ko siyang tumungo sa bathroom bago ko hinarap ang pagkain.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon