Muli akong hinila ng antok. And I think it's better to gain more strength. Siguro ay naubos iyon nang labis dahil sa paggamit ko ng kakayahan.

I woke up with a very dark surrounding. Suminghap ako ng hangin at tumingin sa paligid. Bahagyang humangin dahilan para gumalaw ang kurtina at pumasok ang liwanag ng buwan sa kwarto. My heart beat like crazy when I noticed that there is someone on the bedside. Halos 'di ako makahinga. Unti-unting nasanay ang aking paningin at malinaw na nakita ang bulto sa tabi. Nakasuot siya ng cloak dahilan para 'di ko makita ang kaniyang kabuuan.

"S-sino ka?" Paos kong saad. Gumalaw iyon at mas lumapit pa. Lumalim ang malambot na foam sa aking tabi, senyales na umupo siya sa kama. I stiffened as I felt the familiar dangerous presence. Pilit ko na inayos ang pakikiramdam at sa tingin ko ay siya ang nakaharap ko noon sa hardin. Ngunit 'di pa rin ako sigurado lalo na't nanghihina pa ang aking katawan. My sense were also weak.

"S-sino ka? Sabihin mo.." Pamimilit ko. I realize that if he will do something bad on me, I will be helpless. Hindi ako makakalaban. Tumindig ang aking balahibo nang maramdaman ang kaniyang nakatutunaw na titig.

"How are you? Hmm?"

Lalo 'ata akong nanghina nang marinig ang baritono niyang boses. It was rough, masculine and dangerous. Kumuyom ang aking kamao at kinagat ang labi.

"Sabihin mo sa akin, sino ka? Bakit ka narito?" I whispered. I flinched when his skin touched mine. Lalo yatang nanindig ang aking balahibo sa kakaibang pakiramdam na humalik sa aking sistema.

"How are you feeling?" Dagdag niya, hindi pinapansin ang tanong ko. I gritted my teeth and tried to sat. Nang itukod ko ang braso ay agad iyong nanghina kaya napahiga ako muli. Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap, sunod ay ang pag-alalay sa akin. Hindi ko alam kung mga karayom ba ang mga munting tumusok sa aking balat nang hawakan niya ako, ngunut masasabi ko na hindi ako nasaktan. I felt something that I cannot name. It is weird.

Sumandal agad ako sa headrest ng kama. Itinulak ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko ngunit hinuli lamang niya ang aking palad. Pinagsiklop niya ang mga iyon. I tried to be freed, ngunit pinirmi niya iyon sa aking kandungan.

"Kumusta ang nararamdaman mo?"

Hindi ko mapalagay ang atensyon. Kung ibibigay ko ba 'yon sa kaniya at sagutin ang mga tanong niya, o sa magkasiklop naming palad na nagdadala ng ibang pakiramdam.

Lalo akong napalunok nang haplusin niya ang mga daliri ko. Malambing iyon at nagtagal sa daliri bago maghinliliit. Paulit-ulit niya iyon na hinaplos, tila sinusukat kung gaano iyon kalapad.

"Your fingers are perfect. It feel so soft. The shapes are beautiful..." Anas niya. Napanguso ako at hindi na nagpumiglas. Biglang napalagay ang kalooban ko. I almost rolled my eyes but I don't have the energy to do it.

"O-of course! Maganda ako, eh. Lahat ng nasa akin, maganda."

"Hmm."

Pumainlang ang katahimikan. Bigla tuloy ay gusto ko tanungin ang sarili kung bakit bigla akong napalagay sa kaniyang presensya. But the way he play with my fingers makes my mind blank.

"Stop putting yourself in danger, Azriella.." He uttered after the long silence. Shiver ran on my spine. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan and there is something on it. The way his lips uttered it is something that I would never forget.

Tila hangin na lumipas ang oras. Namalayan ko na lamang na nakatulog akong muli. Siguro ay bumabawi talaga ang katawan ko. Parang panaginip lang ang nangyari at hindi ko alam kung papaniwalaan ko pa na may estranghero na dumating sa kwarto ko. Pagmulat ko ng mata ay maliwanag na ang paligid. There's nothing weird on my room.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon