I hate you!
Kailanman ay hindi ko naranasan ang maratay sa kama nang napakatagal. Hindi kami nagkakaroon ng sakit na meron ang mga tao. We were made strong. Hindi agad naaapektuhan nang kung anu-anong mga salik. Hindi rin ako laging nasasaktan dahil lagi lamang akong nasa loob ng palasyo. No one can harm me. Because I was always protected like a fragile thing. Kung mayroon man ay iyong pagkakataon na hindi sinasadya. At lagi itong hindi malala.
And it is my first time to be this weak. Halos walang buhay ang aking mga buto at katawan. My emotion too isn't stable.
Nagising ako sa magagaan na haplos sa aking buhok. Pagmulat ko ay halos lumundag ang aking puso nang makita si Tatay na titig na titig sa akin. Ang mga itim niyang mata ay puno ng pag-aalala ngunit nahaluan ng relief nang magsalubong ang aming paningin.
"Tay.." paos kong tawag sa kaniya. Tumigil ang paghaplos niya sa aking buhok at bumaba iyon sa aking pisngi. Huminga siya nang maluwag na tila ngayon lang ulit niya nagawa.
Bumitiw siya sandali at hinilamos ang mukha gamit ang palad. Nakagat ko ang labi habang nanghihina siyang pinagmasdan. Malaki ang posibilidad na magalit siya sa akin. Tatanggapin ko, pero sana h'wag muna. I still want the peace around. Gusto ko muna ang pag-aalala niya. Napasinghap ako nang bahagya siyang tumayo mula sa pagkakaupo at yumuko sa akin para yakapin ako. Wala siyang imik na paulit-ulit akong hinalikan sa noo at pisngi.
Nag-init ang sulok ng aking mata hanggang sa umalpas iyon bilang luha. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya ngayon. Humigpit ang yakap niya sa akin. Napahikbi ako at sumubsob sa kaniyang dibdib.
"T-tatay, sorry po. Sorry.." I said that came out as a whisper. Naramdaman ko ang pagtango niya. Bahagya siyang humiwalay at napansin ko ang pamamasa ng kaniyang mata, na tila isang kalabit na lang ay luluha na siya.
Napahagulhol ako. Pakiramdam ko ay sinaksak ang puso ko sa sakit habang nakikita ang ekspresyon ni Tatay. I made him worried. Ramdam ko iyon.
"A-akala ko- Damn. We almost lost you!" Basag ang boses nya at muli akong hinalikan sa noo. Pinahid niya ang mga luha ko. Pinigil ko ang pag-iyak at niyakap siya nang mas mahigpit.
"Don't do that again, my princess. Please, don't. Hindi ko n-na kakayanin," he uttered.
Sa kaniyang reaksyon at mga sinabi, I realized that my condition was critical. It was fatal. Kaya ganito na lang kahigpit ang yakap niya sa akin ngayon. Bigla akong may naalala kaya tinitigan ko siya.
"Tatay, s-si Leo po?" Nauutal kong tanong. Natigilan siya at tumiim-bagang. Sandaling umiling at tinitigan ako muli.
"He's already fine. Ang gusto ko, isipin mo ang sarili mo. Magpagaling ka.." Tumango ako at kumapit sa braso niya.
Sobra. Sobra ang pag-iisip ko sa sarili ko kaya ito ang nangyari. Sobrang pag-iisip sa sariling kaligayahan kaya ito ang natamo at nadamay pa si Leo. Pumikit ako nang mariin. I was nothing but an attention-seeker and selfish creature. Sinulyapan ko si Tatay. Ang perpekto niyang mukha ay unti-unti nang kumakalma. Deserve ba nila ang magkaroon ng anak na tulad ko? Na walang ginawa kung hindi ilagay sa kapahamakan ang iba?
Ilang minuto ang lumipas ay umalis muna siya dahil may sandaling aasikasuhin. Binalatan muna niya ang ilang prutas na magbibigay sa akin ng lakas lalo na ngayon na hinang-hina pa ako. Nakalimutan ko pala itanong kay Tatay kung nasaan si Nanay. Niyakap ako ni Tatay sa buong panahon na magkasama kami. And it was peaceful and comfortable feeling. Kaya pati ang pagtatanong ay 'di ko na nagawa dahil sa kapayapaan na naramdaman sa bisig niya.
Ilang oras o araw kaya akong walang malay?
Mga tagapaglingkod na ang mga sumunod na pumasok sa kwarto. Pinunasan ang aking katawan at pinalitan ng damit. Sunod ay pinakain. Matapos ay pinaalis ko sila at hinintay ang pagbabalik ni Tatay. Wishing that he will bring Nanay. Ngunit lumipas ang ilan pang oras ay walang dumating. My heart sank but I shook it off. Hindi mabuti ang magagawa ng pagtatampo sa akin dahil kung saan-saang sitwasyon ako napupunta. Baka naman nagpahinga sila dahil sa tagal ng pagbabantay sa akin.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Demon
Vampire(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in a palace, to have the luxury, wealth and tons of servants. Patrisha Azriella Bloodstone have it all...