October 29, 2017
"Kailan"
Ano pa nga ba ang aking masasabi?
Kung parang nagdikit naman ang aking mga labi?
Hindi makapagsalita, hindi makapagreklamo,
Kaibigan nga bang turing o gaguhan lang talaga 'to?Mga kaibigang mapagkunwari
Na kahit saang anggulo'y 'di ko mawari,
Mga kaibigang mang-iiwan
Na palagi naman ako ang nalalapitan.Isang hakbang patalikod,
Pinipigilan ang pangangatog ng mga tuhod,
Ngunit hindi na talaga kinaya ang pagod
Kaya ako na lamang ay napaluhod.Ilang ulit kong tinanong ang aking sarili,
Kaya ko pa bang initindihin ang kanilang mga ugali?
Kaya ko pa bang sa kanila'y magkunwari?
Kaya ko pa bang pigilan ang galit na maghari?Kapag may problema sila't kailangan ng tulong,
Ako pa mismo ang sa kanila'y sumasalubong,
Pero bakit sa mga oras na hindi nila ako kailangan,
Hindi nila ako itinuturing na isang kaibigan?"Isang bagay na pansamantala lang ang pakinabang,"
Iyan ang turing nila sa akin, para bang isang mangmang,
Kaya't hanggang ngayo'y nakabaon pa rin sa aking isipan
Ang tanong na "Tunay na kaibigan, kailan ba kita matatagpuan?"-Rara
BINABASA MO ANG
Living Poetry
PoetryLet my poetry drive you to an engaging ride in my mind to discover my unspoken thoughts.