Perfect Fit Chapter 8

15.6K 387 36
                                    

Nakangiti si Tricia nang buksan niya ang pinto para papasukin si Raffy pero agad ding nawala ng ngiting iyon nang makita niya ang malamig na expression sa mukha ng dumating.

Tulad nang naramdaman niya noong una nilang ginawa ang arrangements ng pagbisita at nang ilang naunang beses ng pagdalaw nito, nasaktan siya. Pero ipinaalala niya sa sarili na masasanay rin siya. Just like the way she got used to living in the States.

"Gab, hurry, your dad's here'" tinawag niya ang anak.

Agad naman niyang narinig ang pagtakbo ng bata palabas ng silid at pagtalon pagbaba sa hagdanan.

She marvelled at how naturally Gab had accepted his father's appearance in their lives. Siguro dahil bata ito, mas madaling tumanggap ng mga bagay-bagay nang hindi na masyadong nangangailangan ng mga rationalizations.

He wanted a dad. His dad showed up. Ganun lang iyon kasimple.

Raffy's expression instantly warmed up upon seeing the child.

"Hey, buddy," malugod nitong bati sa anak. "Are you ready?" "Yesterday pa," excited na tugon ni Gab. Magpupunta sa Avilon Zoo ang dalawa. "Mom, why aren't you dressed yet."

Hindi niya inasahan na in-assume ng anak na kasama siya. "I am not..."

I am not invited, gusto niyang sabihin.

Si Raffy ang sumagot para sa kanya. "Hindi makakasama ang mommy mo kasi may kailangan siyang gawin ngayon."

Pinilit niyang ngumiti. "Oo, Gab. I have to visit Lolo in the hospital."

"Okay. But I want to visit lolo rin later," humarap ito sa ama. "Dad, can we go and see lolo in the hospital pagtapos ng Zoo?"

Natigilan silang dalawa. Naipaliwanag na ni Tricia sa mga magulang ang sitwasyon. Sa katunayan, hindi naman mukhang nagulat ang mga ito sa finally ay pag-amin niya na si Raffy ang daddy ni Gabriel. Hinala niya ay matagal ng nahulaan ng mga ito dahil sa pagkakamukha ng dalawa pero hindi na lang nagsalita out of respect for her wishes na huwag pag-usapan iyon. Gayunpaman,hindi masyadong maluwag ang pagtanggap nang mga ito kay Raffy. After all, sa paningin ng mga ito, pinabayaan pa rin ni Rafael ang kanilang anak. Siguro dahil na lang sa kagustuhang magkaroon ng ama ang giliw na apo ay tinanggap na rin ng mga ito ang presensiya ni Rafael.  Ang hindi sigurado si Tricia ay kung paano magre-react ang mga magulang kapag isinama nila si Raffy sa hospital.

As it came out, walang basehan ang pangamba nang magkita kita sila sa hospital. Maayos ang pagtanggap ng mommy at daddy niya kay Rafael matapos ang sandaling panahon ng awkwardness. Siguro ay dahil na rin sa nakitang kaligayahan sa apo na hindi matapos tapos ang kuwento ukol sa mga ginawa nilang mag-ama kaya madaling gumaan ang kalooban ng mag-asawang Villa kay Rafael. Hindi nga lang maialis ni Tricia ang pakiramdam na matamang ino-obserbahan ng mga ito ang pagtrato nila sa isa't isa.

Hinala niya na umaasa ang mga ito na okay silang dalawa dahil hindi rin naman iisang beses siyang tinatanong ng mommy niya kung may plano ba siyang mag-asawa. In their eyes, Raffy would be the most obviously perfect choice. Ano nga naman ang hindi magugustuhan kay Raffy – he was handsome, successful, charming and polite. At higit sa lahat, ito ang tunay na ama ng apo ng mga ito.

Pinatunayan iyon ng sunod na sinabi ng kanyang mommy. "Rafael, magkakaroon kami ng kaunting salo-salo sa bahay sa isang linggo. Family and close friends lang. Why don't you come?"

"That's right," susog naman ni Alejandro Villa.

Ngumiti si Rafael. Halata ni Tricia na nagtatalo ang kagandahang asal at ang pag-ayaw sa ideya sa utak nito.

"Sige po," nanalo ang kagandahang asal at diplomasya.

Nang matapos ang pagbisita ay inihatid sila ni Rafael sa kotse niya.

"I brought you something," sabi ni Tricia kay Raffy. Inilabas niya sa sasakyan ang isang plastic bag na may mga lumang videos. "Sana may VHS player ka pa kasi ang iba rito ay nasa VHS format pa."

"Ano 'to?" Tanong ni Raffy.

"Mga videos of Gab mula pa noong baby siya." Ibinaba niya ang paningin. "I felt that you would like to see.."

"What I missed?" dugtong ni Raffy.

Iniabot ni Tricia ang paper bag dito. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam na siya ng iritasyon sa patuloy na pagiging bitter ni Raffy sa sitwasyon sa kabila ng mga oportunidad na ibinigay na niya at ng kanyang pamilya para makabawi sa mga nagdaang taon.

Her temper got the better of her. "Yes, all the things I deprived you of."

Narinig ni Raffy ang sarcasm sa boses niya. Tiningnan siya nito and for a few seconds nagtitigan lang silang dalawa hanggang magsalita si Gabe sa pagitan nila.

"Are you guys fighting?"

"No, Gab," si Tricia ang nagsalita. "Your dad is just not very happy with me. Say goodbye to him na and get in the car."

Hindi pumayag si Gab na balewalain ang concern nito. "Why?"

Pinagkrus lang ni Tricia ang braso sa dibdib at tiningnan si Raffy, hinahamon ito na sagutin ang tanong ng anak. Her action directed Gab's attention to Raffy.

"Daddy, why aren't you very happy with mommy? She's kinda cool. I'm really happy with mom."

"That's good Gab. Get in the car," iwas ni Raffy sa pagsagot sa tunay na tanong nito. "I'll just see you in lolo's party."

"Yeah, yeah, don't mind me. I'm just a kid and you're gonna tell me anyway that it's just an adult thing," may pagmamaktol na sabi nito pero sumunod din sa utos ng mga magulang. "Bye, daddy! I'll see you."

Matapos magpaalam sa anak ay humarap ito sa kanya. "Bye, Tricia. Thanks for this," itinaas nito bahagya ang bag ng videos.

"Your welcome," half-hearted na tugon niya. "And Raffy, I know that this is tough for you but..it hasn't been very easy for me either, you know."

Hindi na niya hinintay ang tugon nito. Pumasok siya ng kotse at pinaandar iyon. 

PERFECT FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon