Chapter 56 - Wilted Roses

20.7K 605 149
                                    

JACE

Our flight to Los Angeles was the longest flight that I have ever had in my entire life.

Phones are fvcking useless up in the sky, and I'm fvcking stuck here in the plane for almost thirteen hours. Wala akong magagawa para macontact ang misteryosong caller kanina.

Parang mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang nangyari kay Pepsi, kung nasaan siya ngayon at kung sino ang tumawag sa akin kanina.

Matagal pa bago ako napakalma ni dad kanina because the feeling was just so...bullshit. This is the worst anticipating feeling ever. Umiyak talaga ako kanina na parang batang uhaw na uhaw sa ice cream at binigyan nga ng nanay niya pero bago pa nito madilaan ang ice cream ay may taong biglang umagaw dito at ihinagis sa Pasig River.

Nakakabaliw ang mga pangyayari. Kung pwede lang sanang mag-teleport sa kung nasaan siya ngayon.

I kept looking at her picture that caller has sent to me...

Kanina ko pa ito tinititigan, literally, at halos hindi na ako kumukurap.

Medyo close-up ang kuha kaya hindi ko masyadong ma-identify kung nasaang lugar siya. Mukhang mahimbing itong natutulog sa isang puting kama, at nakasuot din ito ng kulay puti na hindi ako sure kung T-shirt or dress kasi hanggang tiyan lang ang kuha ng picture. Medyo magulo ang buhok nito na tinatakpan ang halos kalahati ng mukha niya, at parang pumayat at lalong naging maputla yata ang baby ko?

Just seeing her alive and existing made me feel alive again...Tila nabuhay ulit ang aking dugo.

"Where do you think is she?"

Napasulyap ako sa daddy ko, na gising na pala. Kanina pa niya ata ako nakitang nakatitig sa picture na tila hinihintay na may lumabas na malaking barko mula dito.

"I don't know dad. I'm dying to know and to see her right away."

"Pasensya ka na anak ha. I really thought you're suffering from some inevitable effects of depression." Ang buong akala niya ay nagka-toyo ako sa utak dahil sa kakahanap sa taong hindi naman nag-eexist.

"Naintindihan ko naman po kayo ni mommy. Sadyang mahiwaga lang talaga ang mga pangyayari at mahirap paniwalaan sa una."

Isinandal nito ang ulo sa headrest. "Bad timings are usually the culprits in our life...."

I couldn't agree more. Tila pinaglalaruan ata ako ng tadhana. Sa dinami-dami ng oras na pwedeng tumawag, sa oras pa talaga ng paglipad ng eroplano. Feeling ko tuloy ay nasa isang pelikula or Wattpad story ako ngayon.

He took a sharp intake of breath and turned to me. "Huwag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat. Pasensya ka na sa nangyari ngayon anak, but you just have to be patient."

I have to. Alangan namang tumalon ako sa eroplano.

"Dad, can I get another ticket back to the Philippines right away?" tanong ko dito pagkalipas ng ilang sandali. Hindi ako sigurado kung papayag itong pauwiin ako ulit sa Pinas at magback-out nalang ako sa pag-manage ng business namin. Pero kung papayag man ito ay paniguradong sasama ang loob nito sa akin dahil matagal na naming napagplanuhan ito pagkatapos kong magdecide na sasama sa kanya.

Napatingin muna siya sakin at tiningnan ako sa aking mga mata na tila sinusukat ang aking saloobin.

"Dad?" pagpukaw ko sa kanya.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon