...that Pepsi Marie Herera is a weird loner, and witchy-like.
So after that, pinagtagpi-tagpi na nila siguro ang mga pangyayari, dahil marami ang nakakaalam at saksi kung gaano ka obsessed si Jordan sa akin.
Alam mo naman ang pahanon ngayon, stories from gossips will spread like wildfire.
Kaya dun lumala ang chismis na isa akong mangkukulam. Dun nagstart ang takot nila sa akin.
Dati-rati ay hindi sila ganun katakot sakin. Kinukutya at kantiyawan pa nga ako ng karamihan dahil weirdo daw ako, nakakatakot ang mukha, at parang tanga na palaging may kinakausap na mag-isa.
The truth was, I was just having some moments with the mother nature. I was strengthening my relationship with her and at the same time, practicing weather magick.
The ability to predict and actually affect the weather itself has got me so hyped up. Even though I stopped practicing withcraft, somehow, I still have that invaluable skill, na konti lang ang binayaan.
Nung unang beses akong hinalikan ni Jace, I did a little whistle to call out a certain lightning na nagbadya ng bagyo, para na din takutin siya. Pero hindi ko na nacontrol ang tuluyan nang pagbagsak ng malakas ng ulan.
At yung gabing pumunta si Jace sa bahay sa pinakaunang pagkakataon, I was able to summon a rain successfully.
Dahil nasa labas nalang din siya, I wanted him to suffer, because I wasn't able to accept the fact that I had already fallen in love with him.
And now, hindi ko maexplain ang kasiyahan ko nang ang lalaking mahal ko ay buong puso akong tinanggap kahit isa akong witch, na aminin man natin o sa hindi ay negatibo ang pananaw ng karamihan.
I was pulled out of my thoughts nang lumabas na si Jace sa banyo. Kakatapos lang nitong magpalamig--ay este, maligo.
Nakasuot ito ng puting T-shirt at pulang basketball shorts ni kuya. Pinili talaga nito ang kulay puti para daw couple sleeping shirt kaming dalawa.
He looked so fresh and...yummy.
"So ano, okay ka na ba dito?" tanong ko sa kanya. Naayos ko na ang kama ko para higaan niya, dahil doon ako matutulog sa tabi ni lola sa kwarto nito. Kasalukuyang nagdadasal ito sa baba. Nag-aalala nga ako sa kanya kasi kanina pa ito roon, at konti lang ang kinain dahil wala itong gana.
Hinapit ako ni Jace sa beywang at saka inilapit ang mukha sa akin. "Mas okay sana kung..." he grazed the back of his fingers on my cheek, "...katabi kitang matulog."
Mainit at amoy Colgate menthol ang hininga nito. Nakakalasing. Nakakatorete.
Girl, pigil-pigil din minsan ha? Baka masuko mo ang Bataan nang wala sa oras.
Ano ka ba girl, na coma na nga ang kuya ko, saka depress ang lola ko, uunahin ko pa ba ang landian?
Eh anong ginagawa mo ngayon?
Umiling ako sa sarili kong subconscious. Nag-uumpisa na naman itong mang-bwisit.
"H-huwag ka ngang ganyan. Sige na, baka kung napano na si lola." sabi ko sa kanya.
I was able to breathe properly when I pulled away from him.
Akmang aalis na ko nang bigla niya akong pinaharap sa kanya at isiniil ako ng isang mainit na halik sa mga labi na nakakapanghina ng tuhod.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...
Chapter 49 - Dilemma
Magsimula sa umpisa