Chapter 49 - Dilemma

28K 674 66
                                    

PEPSI

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

I have been hiding my secret for such a long time, at hindi ko na-expect na si Jace ang pinakaunang tao na makakadiskubre nito.

Not even lola and my own family and not even Ara...

Even though I'm not practicing witchcraft anymore, I know that my inner witch will always peek out from me and radiate from within.

That's what makes me different from everyone else though, and being different makes you stand out...

Kaya siguro napansin ako ni Jace. Napansin ako ni crush...at ngayon ay kami na.

Kaya mga besh! Tularan ako. Embrace your inner witchiness!

De joke lang.

Anyway, laking gulat ko talaga nang mahanap ko si Jace sa loob ng closet ko. Hindi ko lubos akalain na matutunton niya ang secret room ko. Wala naman kasi akong masyadong bisita o kaibigan na pinapatulog dito sa kwarto ko, at saka ako naman ang naglalaba ng mga damit namin ni lola so hindi niya masyadong pinapakialaman ang mga gamit ko.

Well, except sa cellphone ko na lagi niyang hinihiram para paglaruan, lagyan ng kung anu-anong pictures, at palitan ang ringtone ko.

Sino ba naman kasi ang makakaisip na ang isang lalaking kasing macho ni Jace ay bubuksan ang closet ko at maghahanap ng mga pangbabaeng damit?

Bodega ito dati, na tinakpan ko lang ng aparador ko. Kailangan ko kasi ng isang tahimik at pribadong espasyo kung saan pwede kong magawa ang aking mga ritwal at meditasyon, at saka tamang-tama din dahil meron itong bintana kung saan direkta akong maka-communicate sa buwan.

Nag-aalala ako sa inisip nito. I was a bit hesitant at first, nagdalawang isip kung sasabihin ko sa kanya ang lahat, but then, wala na akong choice because he was standing directly in front of my deserted altar, looking so shocked and confused.

I tried to think of a believable alibi, pero hindi gumana ang utak ko at that moment, and something inside me told me that it will be okay...

My instinct told me to trust him. Siguro ay sa sigaw na rin ng puso ko.

Luma na ang mga kandila na yun, and that vodoo doll...iyon ang manikang ginawa ko para kay Jordan. It was made of strings, cloths, threads, rosemary, and three strands of his hair. 

After making a psychic connection with the doll, I tried my best to meditate everyday, to focus on the energy needed on the doll, and when I thought everything was ready, I finally did the black magick ritual.

Pero nabigo ako.

Nagresearch ako ng research, practice ng practice, hanggang sa isang araw ay bigla nalang nawala si Jordan.

He was gone missing. His parents did a wide search for him, asked help from the relevant authorities, pero hindi talaga nahanap si Jordan.

When reports about an unusual and mysterious dog who suddenly appeared in their house and won't get out of there emerged, someone from the school concluded that it was me.

Maybe dahil may isang estudyange na nakita akong nagbabasa ng witchcraft book sa little park a few months before.

That particular student then started spreading the rumors tungkol sa nakita niya, hanggang sa maka-establish na ako ng image sa school...

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon