JACE
"Plinantsa ko ang buhok niya para lalong tumuwid. The black dress gave her a sassy and elegant look at yung oversized camouflage cardigan naman ay para may touch din siya ng pagkaboyish." pag-eexplain ni Mandy as she gauged on Pepsi's whole profile pero parang wala lang akong narinig.
Mandy snapped his fingers in front of me pero tulala pa rin ako sa kakatitig kay Pepsi na parang natuklaw lang ng animnaput-siyam na mga busog na anaconda.
I was yanked back to Earth nang maramdaman kong pinisil ni Mandy ang...junior ko.
"Uy!" nagulat at napatalon ako sa ginawa niya. "Ba't mo ginawa yun?" Bastos nito ah.
"Sweetheart, ginawa ko na ang lahat, pero tulala ka pa rin. Kiniliti ka na, hinampas ang buong sofa sa ulo mo, at lahat-lahat pero wiz pa rin. Tulaley pa rin."
Kumurap pa ako ng ilang beses bago tuluyang mahimasmasan.
"Ah, ganun ba? Pasensya na, ganito talaga siguro pag nakakita ka ng isang dyosa."
Malagkit ang mga tingin ko sa baby sungit ko, na kasalukuyang hirap na hirap sa heels nito habang pababa ng hagdan. Mukhang isang maling hakbang lang nito ay mapapagulong-gulong ito sa hagdan. Nilapitan ko siya at kinuha ang mga kamay niya para alalayan siya.
Ang bango niya...
"Hay nako, iwan ko na muna kayong lovebirds ha, I'll just fix my things up." paalam ni Mandy sabay akyat sa taas na pakembot-kembot pa.
"G-grabe, ang ganda mo..."nauutal na sabi ko kay Pepsi nang naiwan na kaming dalawa. Her beauty is bewitching, entrancing, enchanting, <insert more synonyms of the words>, lahat-lahat na!
"Kailangan ko na sigurong bumili ng matibay na pantali..." I added.
"At bakit naman?" tanong nito na tila hindi pinapansin ang mga papuri ko.
"Dapat na kasi kitang itali sa beywang ko, panigurado kasing marami ang magtatangkang aagaw sayo."
Kung pwede lang ay gagawin ko talaga iyon. Alam ko kasing mas lalo lang itong pagkakaguluhan sa school.
"Sira." Pinaikot lang nito ang mga mata nito saka pumalingkis sa braso ko na parang bata na first time na aalis ng bahay.
I just sighed as I felt that familiar warm feeling on my chest again.
Can I take care of her forever?
"Halika na, ayokong ma-late tayo. Alam mo na, baka mapapa-grand entrance tayo." Halata sa boses nito ang kaba at hiya. Actually, medyo late na nga kami.
Napatawa ako ng mahina. "Never ka ba talagang umattend ng mga malalaking bulwagan, parties, or any events?"
Napaisip ito. "Uhm, yung ano, bithday party ng inaanak ng mama ko nung elementary ako..."
Elementary? My god, taong bahay level 69696969 pala tong future wife ko. No wonder this year ko lang siya napansin sa school. I have never seen her in any school events before.
"Marami bang bisita that time?" tanong ko.
"Oo." pagmamalaki nito. Icoconsider ko na yun sana pero nagpatuloy ito sa pagsasalita, "...mga tatlo. Yung kaibigan nina mama saka yung dalawa nitong mga bulilit na anak."
Tuluyan na akong napatawa ng malakas. Hindi ko alam kung bakit parang mas naging adorable siya sa paningin ko.
Parang ang sarap palang alagaan ang mga ganitong klaseng babae. Socially awkward and snob, and kind of an introvert. Not the typical girl. Parang galit lang sa mundo ba.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...