PEPSI
Is he trying to kiss me? There were just a few inches left between our lips. Palipat-lipat ang mga mata niya sa mga mata at labi ko.
I just found myself closing my eyes and anticipating for a kiss.
Nang isang dangkal nalang ang layo ng mga labi namin ay bigla itong napayuko at napapikit in frustration.
Fuck! Ba't ba kasi ako napapikit?! Ang mas nakakahiya pa ay siya mismo ang umurong. Nakakahiya!
Parang gusto kong kastiguhin at isumpa ang sarili ko bigla
Girl, akala ko ba pa hard to get muna?
He lifted his head up again to meet my eyes. Tinaasan ko lang siya ng kilay and acted like cool lang ako pero deep inside ay pinapalo ko na ang sarili ko.
"I want to know everything about you..." he uttered those words as if he meant each one of them.
Girl, kapit lang. Huwag na huwag kang bibigay sa kanya.
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Bakit ka naging mangkukulam?"
Namilog ang aking mga mata sa tanong niya. I wasn't expecting him to ask that. Bago pa ako makapagsalita ay biglang may kumatok sa pintuan.
"Señorito Jace, andito na po ang merienda niyo." tawag ng kasambahay sa labas ng pintuan.
He hastily fixed his hair and preened his clothes before opening the door.
Sinalubong kami ng malaking ngiti ng mas matandang katulong kanina habang dala-dala ang isang pitchel ng strawberry juice, cake, and French fries.
Shet, ang sarap naman niyan...
Bigla tuloy akong naglaway at tuluyan nang nakalimutan ang mala teleserye naming eksena kanina.
Walang masabi ang Kathniel sa'min eh.
"Salamat ho, Yaya Mia." sabi nito pagkatapos makuha ang tray dito.
"May project kayong ginagawa?" tanong ni Yaya Mia habang ang mga mata ay nakatingin sa akin. She was constantly smiling mula pa kanina na animo'y tuwang-tuwa sa presensiya ko.
"Ah, opo. Siyanga pala, si Pepsi, kaibigan ko ho. Peps, si Yaya Mia nga pala, ang favorite kong kasambahay."
Kinurot ng matanda si Jace sa tagiliran nito.
"Bolero talaga itong batang ito, iha, kaya huwag kang magpaniwala sa mga sinasabi niya sa'yo." halatang nagbibiro lang ito pero wala itong ideya na totoo lahat ang sinabi niya.
"Halata nga, ho." sabi ko nalang sabay ngiti.
"Oh siya, sige. Sana ay magustuhan niyo ang pagkain na inihanda ko."
"Kain na rin ho kayo sa baba." sambit ni Jace. Hindi ko inaasahan ang ganung kabaitan niya sa ibang tao.
I have always thought of him as this pa-cool kid lalo na sa social media at mahilig mangolekta ng mga babae. Iyong mga lalaking sarili lang nila ang iniisip nila.
Pero sa puntong ito ay narealize kong he was not all that naman pala.
But still. Hindi ako bibigay sa kanya, seryoso man siya o hindi.
Nang umalis na ang katulong ay niyaya ko na siyang gawin ang project namin habang kumakain. We have to finish this as soon as possible.
Sa awa ng Diyos ay hindi na niya binalik pa ang tanong niya sa'kin. Sana ay nakalimutan na niya iyon.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...