Kabanata 35Happiest.
Ako iyon sa araw-araw, ang bawat araw na ginawa ng Dios ay sumobrang nagpapasaya sa akin. Reidjan is my happy pill, tuwing kausap ko siya'y gumaganda ang araw, nabubuo ang aking bawat araw.
Makukuntento pala ako kahit malayo kami sa isa't isa, dahil sa kanya kaya ako nakukuntento. Alam kong marami akong dapat pangambahan habang malayo kami dahil maraming nagkakagusto sa kanya roon.
Maraming tukso, but I don't know why I am so sure that Reidjan won't be tempted by other women. Talagang ginagawa niya akong sigurado para sa kanya, he made me trust him.
Reidjan:
I'm with Deshawn and Kienzo.
Reidjan:
I miss you.
Namilog ang mga mata ko, my heart raced. Hindi ko alam kung ano ang uunahing sagutin roon dahil kabado na ako ngayon palang. Damn, I didn't expect this! Narito siya sa Isla Verde?
Ano ginawa niyang malapit ang Isla Verde at Maynila? Baliw na talaga siya, huh? Hindi ba siya napapagod kakabiyahe ng nine hours?
"Hoy! May klase pa, saan ka?" sigaw ni Sherlyn.
Kumuway na lamang ako at ngumisi sa kanya, patakbo kong nilalakad ang pasilyo para magmadali. Hindi ko alam kung saan ang tambayan nila Deshawn pero baka nasa likuran bahagi sila ng La Riva dahil doon naman sila parati tuwing nagcucutting sila.
Ako:
I miss you, too. Where are you?
Kinagat ko ang aking labi habang lumilinga sa paligid ng malawak na field, may mga benches na nakadikit sa puno at hindi ko sila matanaw dahil sa may mga tao rin na iba pa na nakakalat sa field.
Reidjan:
Back field? I'm not sure, ako na lang ang pupunta sayo. Where are you?
I pouted.
Ako:
Andito ako sa back field, can't see you. Saan ba 'yan banda?
I stayed where I am, waiting for his reply. Tinanaw ko lamang ang mga nage-ensayong cheering squad sa gitna ng mainit na field. They look enjoying the sun, nagtatawanan pa sila roon na parang wala lang sa kanila ang init ng araw.
Every Wednesday ang pinakaimportanteng subject ni Reidjan, iyon ang alam ko dahil talagang umuuwi siya tuwing Miyerkules para doon pagkatapos ay nagugulat na lang ako sa kanyang pagdating ulit dito na parang ginawang eskwelahan ang Maynila at dito ang kanyang inuuwian.
That was tiring, wala siyang sapat na tulog kapag Martes at Miyerkules dahil doon. Bumabiyahe siya gabi ng Martes para pumasok kinabukasan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa ibang subjects niya.
Napakahirap ng kanyang kurso pero nakukuha niya pang bumiyahe ng ganoon at nililibanan ang ibang subject? Anong klase iyon? Hindi kaya bumagsak siya?
"Hi, Zhera!" tinatanguan at nginingitian ko ang bawat madaan na bumabati sa akin, may mga babae at kalalakihan.
My heart went wild, naramdaman ko ang malaking kamay na humawak sa aking kamay at diretsong pinagsiklop iyon. I shivered, mabilis kong nilingon iyon.
I gasped.
"Reid!" I exclaimed happily, hindi ko napansin.
He's just wearing a gray t-shirt, sumakto sa hubog ng kanyang braso. His tighs defined perfectly in his black ripped pants, I wonder if he works out for his body? Pero nakita ko na siyang ganyan noon, mas lalong gumanda kaya siguro nagwowork-out nga siya?
BINABASA MO ANG
Isla Verde #2: The Sweet Escape
General FictionWARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.