Kabanata 22Malamig ang sariwang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat, the cold breeze sent shivers through my bare skin. Pinagmasdan ko ang aking mga pinsang naglalaro sa dalampasigan, ang dalawa'y kakaahon lang mula sa asul na dagat at sumali sa dalawa pang nagpapasahan ng bola.
"Alzhera! Dito ka! Swimming ulit!" sigaw ni Lavern habang kumakaway.
Ngumisi ako at iniling ang aking ulo, sapat na ang pagligo ko kanina.
"Malamig na!" I shouted. Nasa isang kubo ako nakaupo, hindi naman kalayuan sa kanilang kinaroroonan.
The weather is not so good, umaambon na nga at bahagyang humahapyaw ang kulog. Definitely not a perfect time to go swimming. Paniguradong sisipunin ako mamaya kapag nagpatuloy pa. Kaso'y wala silang kasawaan sa tubig ng dagat at masaya pa rin kahit lamigin mamaya.
"Are you cold?"
Lumapit si Deshawn sa akin, kumuha muna siya ng tuwalya sa mesang gawa sa kawayan bago makiupo sa aking tabi. Nagtutuluan ang mga butil ng tubig sa kanyang buhok.
His fair skin is now reddish, mukhang nasobrahan sa tubig alat. Wala namang tirik na araw, so the salty sea water did that. Madalas siyang mamula sa simpleng init ng panahon kaya hindi rin madalas lumabas ng mansyon.
I nodded and hugged the towel around me.
"Yup! You should stop swimming, too. You are so red!" puna ko sa kanyang balat.
Ngumuso siya at tiningnan ang kanyang mga braso, ngumiwi siya at napailing dahil napansin iyon.
"I really should, do you wanna go home now?"
Ngumuso ako kila Lavern na masaya pa rin sa paglalaro ng volleyball sa dalampasigan. He shrugged and stood up, kinuha niya ang tuyo kong damit pagkatapos ay hinagis iyon sa hita ko.
"Bihis na, it's okay to leave them here. Nariyan naman si Kienzo, he can take care of them. Nilalamig na rin ako," he said in his normal deep voice.
Ngumuso ako at napatango na lamang, I wore my loose white shirt again at muli kong niyakap ang tuwalya sa aking balikat para mabawasan ang panlalamig.
Tumakbo ako patungo kila Lavern para magpaalam. Tama na iyon, wala na rin akong magagawa rito kundi ang hintayin lang sila. Nilalamig na ako kaya kailangan ko ng umuwi.
Nang mapansin ako'y saglit silang tumigil sa paglalaro. Kienzo was smiling at me and waved his hand.
"Going home?" he asked.
Tumango ako at ngumiti. Miski siya'y mapula na ang balat pero hindi katulad ng kay Deshawn na sumobra at parang allergy na, Kienzo has fair skin, also, but not sensitive as Deshawn's skin.
"Mauuna na kami, ah? Malamig na," I said. "O sasabay na ba kayo?" I asked.
Umiling agad si Lavern. Hetong si Lavern na walang kasawaan sa tubig dagat, she always goes here for swimming and boys. Sa kasamaang palad ay madalang ang boys ngayong araw.
"Mauna na kayo, tapusin lang namin 'to. Cadence and I versus that jerk Kienzo!" she laughed heartily while pointing Kienzo.
BINABASA MO ANG
Isla Verde #2: The Sweet Escape
General FictionWARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.