Sunday
Napabuntong hininga ako. Umagang-umaga, multo agad sa school ang pumasok sa isip ko. Lumabas ako ng kwarto saka nagtungo sa silid ni Mama. Kakatok na sana ako ng makita kong medyo nakabukas ng kaunti ang pinto. Plano kong gulatin si Mama pero narinig kong may kausap siya sa phone.
Aalis na sana ako ng marinig ko ang salitang "multo" sa kanya. Bumalik ako sa pinto at nakinig. Alam kong mali ang mag-eavesdrop pero pagdating sa multo ay alam kong tungkol sa akin 'yon.
"Rick. Nababahala ako. Paano kung ikapahamak niya sa Doña Trinidad ang pagpasok niya doon?"
Huminto ang Mama ko sa pagsasalita. Nakikinig siguro sa nagsasalita sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. Hindi ko masyadong ma-gets pero parang alam yata ni Mama na may mga multo sa Doña Trinidad? At Rick? Si Papa ang kausap niya?
"Rick. Kung bahagi ng investigation ninyo ang school na 'yon, bakit mo gustong idamay ang anak mo? Bakit hindi na lang ikaw ang pumasok do'n at magpanggap na teacher? Ginulo mo pa ang buhay natin sa Maynila, iyon pala gusto mo lang kaming palipatin dito para magamit si Arlene sa pagiimbestiga n'yo sa school na 'yon! Anong klase kang ama?" Humagulgol ng iyak ang ina niya.
Nawindang ako sa narinig ko. Planado ni Papa na mag-aral ako sa school para mag-investigate doon? Alam kong nasa government intelligence group si Papa, pero hindi ko alam na hawak niya rin ang kaso sa ganitong kalayong probinsya. At isinama pa talaga ako bilang spy? Walang sahod, gano'n? Libre lang?
"Mama!"
Napatayo at namutla sa gulat ang Mama ko. "A-Arlene!"
"Mama akina yang phone!" Galit kong sabi kay Mama.
"A-Anak. M-Magpapaliwanag ako."
"Ayoko, 'Ma. Akina yang phone, kakausapin ko si Papa!"
Nag-aalangang inabot sa akin ni Mama ang phone. "Hello, 'Pa. Anong kalokohan 'to?"
"Anak, magpapaliwanag ako. Hindi kami naghiwalay ng Mama mo. Kailangan ko lang talaga ng isang tao na maipapasok sa Doña Trinidad para makapag-investigate, pero mahirap i-penetrate. Dalawang Inspector na namin ang napatay d'yan. Student ang kailangang pumasok doon, at ikaw ang naisip ko dahil may kakayahan kang makakita ng multo. Ang kaso alam ko namang ayaw mong i-entertain ang multo kaya ito ang paraang naisip ko para makapasok ka sa school na 'yon."
"Papa, kung 'yan lang talaga ang gusto n'yo e 'di sana sinabi n'yo na agad. Kung ano-ano pang drama ang ginagawa ninyo eh. Isang tanong, isang sagot. May babae kayo?"
"Wala anak, si Mama mo lang ang nag-iisang babae sa puso ko. Secretary ko si Milet."
"Good. Sige, makikipag-cooperate ako. Teka, kilala n'yo si Inspector Rodrigo de Jesus?"
"Oo, siya ang bago kong ipinadala d'yan para magpatuloy ng imbestigasyon. Kilala mo siya?"
"Nakilala ko siya accidentally. May third eye din siya. Magkakasundo kami."
"Kaya siya ang pinapunta ko para mag-imbestiga, dahil malaki ang maitutulong niya sa kaso. Myembro namin siya sa Underground Paranormal Group. Trust him."
"Okay, Papa. Marami na 'kong nakuhang information. Ibibigay ko kay Rod lahat. Don't lie to me again, Papa."
"Yes, baby. I won't lie anymore."
"Ito bang pagkakabili n'yo sa Villa, planado rin?"
"Yes. anak. Kliyente rin namin ang dating may-ari. Kasama ang anak niya sa mga nawawalang students ng school."
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...