Chapter 4

503K 14.8K 2.4K
                                    

"GALIT ka ba sa akin?"


Natigil ako sa pag-aayos ng higaan namin. Pinagpag ko ang mga karton na nakalatag sa malamig na semento at pinatungan ng lumang tela na nilabhan ko sa poso.


Naupo sa tabi ko si Monmon. Malamlam ang mga mata niya nang magtama ang aming paningin.


Kahit maliit na liwanag lang mula sa gasera ang nagsisilbi naming ilaw ay malinaw ko pa ring nabistahan ang kalungkutan sa mukha ng kapatid ko.


Napabuntong-hininga ako. Paano ba ang gagawin ko? Paano ko ba sasabihin sa kanya na wala lang iyong nangyari. Wala lang iyon. Normal lang sa magkapatid ang isang halik. Kahit pa halik iyon sa labi.


Pero kung normal lang iyon, bakit hindi ko magawang salubungin nang matagal ang malamlam na mga mata ni Monmon? Bakit naiilang ako kapag minamasdan ko ang maamo niyang mukha? At bakit ayaw kong pag-usapan ang nangyari kahapon?


"Galit ka ba sakin?" Ulit niyang tanong sa akin. Kumiling ang ulo niya para silipin ang mukha ko. "Kahapon mo pa ako di pinapansin."


Pasimple akong umiwas at pilit na ngumiti. "Hindi. B-bakit naman ako magagalit? Aber?"


Hindi siya kumibo. Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin.


Tumayo ako at binitbit ang lumang balde na inarbor ko pa kay Aling Perla. Sa loob niyon ay nakalagay ang mga labahin namin ni Monmon. Kaunti lang ang mga damit namin, halos tig tatlong pares lang kaming dalawa. At lahat ng ito ay bigay-bigay lang o kaya naman ay galing sa basura.


"Sasama ka ba? Pupunta na ako kina Purita." Bigla rin akong nagsisi na niyaya ko siya.


Ganitong oras ang punta ko sa looban nila Purita. Mga alas-cuatro nang madaling araw ay wala pa masyadong tao sa poso, pwede pa akong makapaglaba ron. At pwede pa kaming makiligo ron ni Monmon.


Tumango si Monmon at inagaw sa akin ang balde. "Tutulungan kita."


"Wag na pala..."


Pero hindi siya bumitaw sa hawakan ng balde. Desidido siyang nakatingin sa akin, na ewan kung bakit naiilang ako.


May mga pagkakataon talaga na katulad nito, para siyang hindi bata kung kumilos at magsalita. At may mga pagkakataon na parang ang lakas humatak ng mga mata niya. Para akong nilulunod na hindi ko maintindihan.


Ipinilig ko ang ulo ko saka pilit na ngumiti sa kanya. Kung ano man ang nasa isip ko, hindi ko dapat i-entertain iyon. Si Monmon ay kapatid ko, hindi kami dapat magkaroon ng gap sa isa't isa dahil lang sa mga walang kwentang rason.


"Halika na," yaya ko sa kanya.


Ngumiti siya. At tulad ng parati, napailing na lamang ako.


Ngiti lang talaga niya ang nagpapahina sa tuhod ko at nagpapalambot sa puso ko.


Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon