[37] What's Wrong?

553K 9.4K 2.5K
                                    

Dedicated to @callmexanxus for her/his constructive comment last update :)

[37] WHAT'S WRONG?


GAIL'S POV

"... This is what we're planning about for this month. Naisip naming magkaroon ng sale sa bawat branches dito sa Pilipinas. What do you think?"

I shot him my bored look while chewing what's inside my mouth. Seriously? Hanggang lunch ba naman ito ang pag-uusapan namin? Habang naglalakad nga kami papunta dito sa nearby resto, puro yung marketing strategy stuff lang ang sinasabi niya sa akin. Gah! What's with Mr. Professional? Lolobo na yata ang utak ko sa kaka-input niya ng information sa akin. Super ugh.

"Mr. Lee, can we just eat in silence and talk about this matter later? Nakakawalan kasi ng gana kung puro yan ang lumalabas sa bibig mo," and there, I beamed to him, fakely though.

Tinignan lang niya ako ng seryoso. Nakangiti pa rin ako, pero dahil nangawit na ang panga ko ay napailing nalang ako ng ulo at pinagpatuloy na ang pagkain ng pasta ko.

"Kumain na muna tayo. Hindi naman makakabawas sa pagiging professional mo ang kumain nang hindi muna iniisip yang marketing plan niyo diba?" And then I sipped on my tea.

Buti nalang ay nanahimik siya at kumain na ng kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sumulyap sa kanya. Malaki na nga ang pinagbago niya. He became more manly now than before. Makikita mo na nga ang maturity sa physical appearance niya. Kahit sinong lalaki siguro ay maiintimidate sa tikas niya.

"How have you been?" I suddenly asked out of the blue. Napakibit-balikat nalang ako nang umangat ang ulo niya para tignan ako. Nothing's wrong with asking about that, right? Nangangamusta lang naman ako.

"I believe that it's out of--"

I held up a finger to cut his words. "Nangangamusta lang ako." I paused and smiled warmly. "--Kurt."

Strange feeling it is. After four long years, natawag ko na naman siya sa pangalang yun. As usual, seryoso pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

He wiped the side of his lips with a napkin and took a sip on his tea. "I've been okay."

"Pagkatapos ng nangyari kay Mariz..." Nag-aalangan ako kung itutuloy ko pa ang itatanong ko dahil parang na-stiff siya sa question ko. "What happened to you? Wala na raw silang balita tungkol sa'yo pagkatapos nun."

"I studied abroad. Hinanap ko ang sarili ko." He plainly said. I honestly don't know what I feel towards his treatment to me. Parang hindi niya ako kilala.

"Uhm... Bumalik na ba ang alaala mo?"

Nakita kong tumaas ang isang kilay niya sa itinanong ko. Was that a wrong question? Curious lang naman ako. "Why do you ask? May mababalik din ba kapag bumalik na rin ang alaala ko?"

Dun ako napakapit sa silyang inuupuan ko. Pakiramdam ko ay kinocorner niya ako sa question niya pati na rin sa titig niya sa akin. Kinabahan ako bigla. Though, kanina pa ako kinakabahan dahil feeling ko ay kaunting pagkakamali ko lang ay papagalitan niya ako.

"Bumalik na nga ba?" I asked.

Ngumiti siya, yung ngiting alam kong hindi sincere. "Don't worry, Ms. Rivera. Kahit anong therapy ang gawin ko sa States, mukhang wala na talagang pag-asa. That is one of the reasons why I decided to go there... to cure this sh-t," sabay turo niya sa ulo niya. "The doctor told me that I've got anterograde amnesia."

Anterograde amnesia? Napansin niya yata ang pagkunot ng noo ko kaya tumango siya sa akin.

"Permanent na 'to. All I can do now is to create new memories which I already did in the States."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon