"Ate sino ba kasi siya? Sabihin mo na please?" Pangungulit ni Loraine saakin.Pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon bigla nalang ako tumakbo at hindi na siya pinagbigyan ng pansin. Bigla akong nahiya! Kaya ngayon todo ang pangungulit niya saakin. Simula pa kanina hanggang ngayon!
"Kalimutan mo na 'yong kinuwento ko sayo, kahit ako hindi ko kilala kung sino siya" Pagkukunwari ko.
Paano na lang kapag nalaman niyang si MALVIN KLEIN AQUINO ang tinutukoy ko?! Shit. Napaka-assumera ko naman.
" Sige na ate Kaye, sabihin me na. Gusto kong malaman, hindi ko naman ipagsasabi." binibilisan ko ang paglalakad ko para hindi niya ako maabutan pero fail dahil naabutan niya pa rin ako.
Hindi ko na lang talaga siya pinapansin at nagpapatuloy lang sa paglalakad palabas ng campus. Kakatapos lang ng practice at ang lahat ay sobrang excited dahil gagraduate na kami bukas. Bakas sa mukha nila na masayang-masaya sila.
Masaya? Hindi ko mahanap sa sarili ko ang salitang masaya. Ano bang gagawin ko? Masaya naman ako pero may kulang, parang may kung anong kulanga sa salitang masaya!
Ano bang saya ang kailangan kong maramdaman?
"Ang kulit mo pumasok kana sa klase mo uuwi na ako" Pagtataboy ko sakanya pero mukhang pinanganak siyang makulit at nakuha pang kumapit sa braso ko.
"Tapos na kaya ang klase ko ate. Magmall nalang tayo?" Suhensyon niya.
"Hahanapin ka sa inyo niyan. Mas mabuti pang umuwi kana lang" Sabi ko at tulad nga ng sinabi ko kanina pinanganak siyang makulit at ayaw akong lumabayan.
"Sasama nalang ako sayo kapag ayaw mong gumala" Nakangiting niyang sabi sa akin.
"Pagagalitan ka ng Mama mo, ang kulit mo talaga Loraine" Suway ko sakanya.
"Hindi ate promise, itetext ko si Mama" Saka niya inilabas ang cellphone niya at nagtext na nga.
Habang naglalakad kami ang dami niyang tanong kahit maliliit tinatanong niya. Tanging tango lang ang naisagot ko sakanya sa dami niyang tanong. Hindi ko yata kayanin na sagutin lahat.
"Ang ganda pala rito ate no? Sana kapag nagkaasawa na ako ganito rin ang titirhan namin" masayang sabi niya. Ang bata bata pa nito, ibang level na ang pag-iisip.
"Hoy mag-aral ka muna bago 'yang mga iniisip mo" Suway ko sakanya. Ang dami niyang alam.
"Hala soon pa naman ate eh" Natatawa pa siya ng binanggit ang bawat salita.
Pumasok kami sa gate nang pinagbuksan kami ni Mommy. Mabilis ko naman siyang hinalikan sa pisngi.
"Hi po tita" Masiglang bati ni Loraine kay Mommy.
Ngumiti si Mommy kay Loraine.
"Mommy si Loraine po future girlfriend ni Francisco" Pakilala ko kay Loraine kay Mommy.
"Talaga? Lalaki na ba si France?" Tumatawang tanong ni Mommy. Nakilala niya na kasi si Drance noong gumawa kami ng project sa bahay. Tulad ko masasayangan rin si Mommy sa kagwapuhan niya.
"Soon pa po Mommy, naguguluhan pa po si France sa kanyang damdamin pero ang totoo niyan lalaking-lalaki na siya. ang tagal nga lang umepekto ng gayuma sakanya" Tawang kwento ko kay Mom.
"Che! Hindi ko siya ginagayuma ate kasalanan ko bang nagpapadala siya sa tukso" Naku dami niya na talagang alam. Bulgar din ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...