Nag-iisang ligaya,
Bakit inalis pa?
Tanging nagbibigay saya,
Bakit nawala pa?
Maraming tanong sa aking isipan,
Ang nais kong mabigyan ng kasagutan.
Mga tanong na kayhirap bigyang kahulugan,
Mga tanong na animo'y nakatikala sa kulungan.
Alam kong nagmali ako.
Alam kong nagkasala ako.
Pero, tama bang masaktan ako nang sobra?
Tama bang sa akin isisi ang lahat?
Hindi lang naman ako ang nagmali, 'di ba?
Hindi lang naman ako ang nagkasala, tama ba?
Pareho lang tayo.
Pareho nating tinalikuran ang isa't isa,
Pareho nating ipinadama na wala nang pag-asa pa.
Pero, alam natin kung sino ang mas dapat na masaktan.
Ako iyon, hindi ba?
Dahil ikaw ang unang tumalikod.
Naghanap ka ng iba,
Nagmahal ka nang iba, habang tayo pa.
Masakit, sobrang sakit.
Kahit paulit ulit kong ipaintindi sa sarili ko na wala na, na hindi mo na ako mahal,
Hindi ko magawang bitawan ka.
Pero, isang araw naisip ko,
Bakit pa ba ako nagpapakatanga?
Bakit ba hindi na lang kita pakawalan?
Napagdesisyunan kong palayain ka na.
Ito, ang mali kong nagawa.
Ito ang aking pagkakasala.
Pero, nagmamahal lang naman ako.
At kapag nagmamahal,
Dapat matuto ka ring pakawalan sya,
Kapag alam mong masaya na sya sa iba.
Oo, hindi ko ipinaglaban ang nararamdaman ko
Kasi alam kong wala nang patutunguhan pa 'to.
Babae ako, tao ako, alam ko kung kailan ako dapat sumuko.
Wala na rin naman akong ipaglalaban pa eh.
Dahil 'yong taong minahal at mahal ko pa rin,
Wala nang pakialam sa akin,
Wala nang nararamdaman para sa akin.Ikaw iyong unang taong minahal ko,
Pero huli na dahil wala na talagang pag-asa pang maibalik ang dati nating pagsasamahan,
Kahit na umiyak pa ako't magmakaawa sa'yo.
Ang huli ko na lang sasabihin sa iyo ay "Salamat".
Salamat dahil kahit minsan sa buhay ko,
May taong nagparamdam sa akin ng tinatawag na pagmamahal,
May taong nagparanas sa akin ng matinding kalungkutan at sakit,
May taong nagturo sa akin kung paano magmahal.
Tinuruan mo rin akong bumangon sa sarili kong mga paa.
Dahil sa'yo, naging mas matatag ako.
Dahil sa'yo, nalaman ko ang tunay na kahulugan ng kahalagahan ng buhay.
Dahil sa'yo, alam ko na ngayon kung hanggang saan lang dapat ako sumugal.
Dahil sa'yo, natutunan ko ang isang bagay na dapat na laging isaisip kapag magmamahal,
Iyon ay ang huwag ibigay ang lahat,
Huwag ibigay ang sobra,
Huwag palaging puso ang ipinapairal, sabayan ito nang pag-iisip.
Dahil kapag sumugal ka sa pag-ibig nang wala kang panlaban,
Hindi ka lang masasaktan,
Maaaring ito rin ang maging dahilan ng iyong paglisan.Ngayon, nabigyan na ng kasagutan
Ang mga tanong sa aking isipan.
Ikaw na dahilan ng mga ito,
Ang sya rin palang solusyon dito.-Rara
BINABASA MO ANG
Living Poetry
PoetryLet my poetry drive you to an engaging ride in my mind to discover my unspoken thoughts.