Nagsimula tayo sa simpleng samahan
Hanggang sa maging marubdob ang kalagayan
Hinangad ko ang magkaroon ng masayang buhay
Pero ibinigay sa aki'y parang isang lantang gulay.Iniwan nya ako't hindi na muling nagpakita
Sinakop ng dilim ang maliliwanag na mga pangako at salita
At sa hindi inaasahang pangyayari,
Sakit at kalungkutan ang naghari.Tinawag ko ang pangalan ni Ama Upang ipasabi sa iyong mag-ingat ka.
Salungat man ang mga oras natin,
Hinding hindi kita lilimutin.Isang araw, nakita kita sa dati nating tambayan
Kasama mo ang babaeng bago mo ng kinalolokohan
Napangiti ako nang mapait at napapikit
Hindi ko kayang makita, sobrang sakit.Lumiko ako sa lugar kung saan hindi mo ako makikita
At dito na tumulo ang aking mga luha
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?Matagal kong ininda ang sakit
Matagal kong ipinagkait sa sariling mahal pa rin kita
At ito ang aking patunay, Pagmamahal na walang lumbay.Dahil alam kong masaya ka na, hahayaan na kita
Masakit man pero kakayanin ko.
Ganito naman kapag mahal mo ang isang tao,
Handa mong gawin ang lahat para sa ikaliligaya nito.-Rara
BINABASA MO ANG
Living Poetry
PoetryLet my poetry drive you to an engaging ride in my mind to discover my unspoken thoughts.