Tulay ng Kinabukasan

1.7K 18 0
                                    

Sandali lamang nang aking mapagtanto
Na ang buhay ko'y parang isang tulay na 'di gawa sa bato
Hindi katibayan ang isang 'to
At kung 'di pahahalagahan ay maaaring gumuho.

Sa bawat hakbang ko'y may kabang dinidibdib
Mga kamay ay nanginginig habang nakahawak sa lubid
Napapapikit na lamang kapag tulay ay tumatagilid
At pakiramdam ko'y maraming umaaligid sa'kin sa paligid.

Sa hirap ng buhay ay kailangan kong tiisin
Ang hirap na aking dinaranas at patuloy pang daranasin
Hanggat kaya ko'y aking didibdibin at titiisin
Ang sakit na mas malala pa sa pagluhod sa asin.

Ang buhay ko'y katulad ng tulay na aking tinatapaka't hinahakbangan
Kunwari'y matibay kung iyong titignan
At walang problema kung iyong pagmamasdan
Ngunit ang totoo'y may tinataglay na kahinaan.

Sa araw araw na pagpasok ko sa eskwelahan
Sa araw araw na pagpunta ko sa pamilihan ng bayan
Sa araw araw na pagbaba ko sa kagubatan
Ang tulay na ito ang aking tunay na maaasahan.

Minsan ay sumagi sa'king isipan
Na huwag na lamang tumuloy sa patutunguhan
Dahil aking dadaanan ay tulay na kinakatakutan
At buwis-buhay kung dadaanan.

Ngunit kinakatakutang tulay ay di naging hadlang
Sa aking patuloy na paghakbang Gamit ang mga paa kong tsinelas lamang ang sapin sa talampakan
Aking patuloy na tinungo ang aking nais pauntahan.

Nakakatakot, buwis-buhay, at maraming oras man ang dapat ilaan para malagpasan,
Ako'y nagpapasalamat sapagkat may nagagamit akong tulay para daanan
Patungo sa aking mga pangarap na nais makamtan
At nagsisilbing tulay ng aking kinabukasan.

-Rara

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon