Chapter 4

1.8K 113 1
                                    

Salamat nga po pala sa mga nagbabasa. I labyo galing planetang mercury ^O^

You Got Me
written by: missuglyduckling

Mayang's pov

Kanina pa talaga ako kinukulit ng mga kaibigan ko. Kung bakit daw BLOOMING ako. Sabi pa nga nila baka daw puso ko ang ninakaw at hindi ang wallet. Inlab daw ako sa hold uper ko.

"Sige na Mayang! Magkwento ka naman!Ang damot-damot naman nito!" Pangungulit ni Kristine sa akin habang kagat ng kagat ang cheese burger nya na dapat akin sana pero pinagkakainteresan naman nito.
Akalain mo ngayon nagka space na kami dito sa canteen 'di gaya nung una na mga bully clique lang halos ang nakikita mo dito .

"Wala nga ang kulit nyo naman!"despensa ko. Ayokong ikwento sa kanila ang totoong nangyari kasi baka sabihin lang nila na nag-iilusyon na naman ako at hindi pa ako ready na malaman nilang gusto ko si MARCO.

"Meron kaya. Sige na..." kulang nalang ay magmamakaawa natong si Kristine sa akin.

"Naku Tin! Inlab lang yan sa holduper na yun. Hahaha" natatawang sabi ni Rita nilantakan naman ang spaghetti ko na luto ni mama kaninang umaga.

"Oo nga baka kasi kinikilig sya nung niyakap siya patalikod." Pang-aasar naman ni Elise. Hindi kaya ako niyakap. Tsk.
Salubong na talaga ang kilay ko sa pang-aasar nila. Pigil parin ako ng pigil sa sarili ko na 'wag mag kwento kasi kung magkataon e, mailahad ko ang lahat. Napalaki nalang ako sa pagkagat ng burger.

"Sige na Mayang!!!! Para namang hindi mo kami kaibigan nyan eh."pagtatampo ni Kristine. 

"Fine! " di ko sila matiis kaya sasabihin ko nalang sa kanila. Bahala na total mga kaibigan ko naman sila.

" Tinulungan ako ni Marco kagabi. At yun kiinilig ako."pagkasabi ko nun ngumiti naman ng nakakaasar si Elise.

"Type mo no? Uyyyy, aminin.." sinindot-sindot ako sa tagiliran. Tapos tinaasan ko lang sila ng kilay na kanina pa nakatingin sa akin ng nakakaloka at alam kung nang-aasar lang sila sa akin. Pagbigyan nalang, mahal ko sila e. Kahit man hindi kami magkalevel ng mga kaibigan ko kasi nga ako lang ang naiiba sa kanila dahil galing naman sila sa marangyang pamilya.

"Hala dalaga kana Mayang! Congrats!" proud na sabi ni Rita.

"Heh, wag kayong maingay dyan. Nababasag yung eardrums ko. " napatakip ako sa tainga.

"Oo na type ko sya. Matagal na."pag-aamin ko. Wala na akong sekretong natitira pa kasi hindi ko magawang pigilan ang bibig ko at malaki ang tiwala ko sa kanila.

"Ayeeee! Sa wakas, hindi ko na rin maririnig ang SINGLE BELLS mo! Hahaha" napalingon lahat ng estudyante na nasa canteen sa table namin sa sobrang ingay ng mga bunganga nila. Kakahiya naman at baka may Marco fans dito. Mapatay pa ako ng wala sa oras. 

"Ssshhh ingay nyo talaga." Inubus ko nalang ang pagkain ko nakakastress kasi ang tatlong to. Mabuti at wala ang mga boypren nila. Naku pagnakataon, mag-iisa nalang akong kakain.
Nung naubos ko na ang pagkain ko, nagpaalam na muna ako sa kanila at bumalik sa Science laboratory dahil naiwan ko ang diary ko'sa ilalim ng table ko.
Diary ko pa talaga ang naiwan. Lintik na katangahan eh.

Hinanap ko ito kahit saan pero hindi ko ito makita. 
Asan nayun? Don't tell me, nagkapaa yun? Dito ko last time na inilabas sa bag ko.
Sana naman ay walang nakahanap nun. I'm so dead talaga. Napailing nalang ako ng bahagya ng ma-imagine ko ang possibleng mangyari sa akin kung may kung sino man ang nakakakita nun.

"Asan na ba yun?"
Hinaluglog ko ang kasulok-sulokan ng buong classroom ngunit wala talaga. Sana nasa mabuting kamay iyon napunta. 

Lumabas nalang akong dismayado nang biglang may humarang sa akin na isang lalaki na halos kasing tangkad ko lamang. Napatingin ako sa kanya. Ano ba ang kailangan nito?Kung mambubwisit lang siya, wala akong time para dun. 

You Got Me #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon