Kabanata 28

390K 11.5K 8.3K
                                    

Kabanata 28

"BREATHE," kaagad na sabi ni Iñigo sa akin habang naglalakad kami. Tumigil ako sa paglalakad at huminga nang malalim. He stopped at naglakad palapit sa akin, he tapped my chin at kaagad niyang hinanap ang mata ko.

"Calm down, baby."

"I can't. I..." bumuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin pero iniangat ulit ni Iñigo ang mukha ko at malambing na ngumiti sa akin.

"You can do it, baby. We can do this," he cheered at nang makita kung gaano niya kagustong palakasin ang loob ko ay ngumiti ako at humawak sa damit niya.

"I love you, Iñigo," sabi ko bago nag-angat ng tingin. He smiled and nodded, hinaplos niya ang gilid ng mata ko bago tumungo at matagal na hinalikan ang noo ko.

"I love you too, so much, Miss Castuares."

Ngayon na ang trial ni Dad. Marahil ngayong araw rin na ito ay mapapatunayan sa korte na inosente ang ama ko.

Namamawis ata ang kamay ko habang palapit kami nang papalapit ni Iñigo sa korte. Maraming beses na akong nakapunta sa lugar na ito pero bakit ngayon lang ako kinabahan ng ganito? Halos mawalan ako ng balanse sa sobrang kaba habang papasok kami kaya napakapit ako kay Iñigo.

Kaagad niya akong nilingon at nakita ko ang bakas ng pag-aalala sa mga mata niya. "Are you fine?" tanong niya sa akin at inalalayan ang braso ko at kaagad akong tumango.

"Y-yes, I'm just nervous. Kasi kahit ilang beses na akong nakapasok dito ay ngayon lang ako natakot ng ganito. Maybe because it's my Dad's case. I personally knew the person involved because he's my father."

"Relax, okay? Ako ang bahala sa inyo. Don't stress yourself too much, baka mapahamak kayo ni baby ko," bulong niya sa akin.

"Sige, hindi na," sabi ko. "Basta do your best, okay? We will support you ni baby!" I tiptoed and kissed his cheek bago kami pumasok sa court room.

Pagpasok namin ay kaagad na nakita ko ang iilang tao roon. Kasama na ang 'di pamilyar na lalaki mula sa kabilang panig.

Ito siguro 'yong abogado sa kabila?

Nilingon ko si Iñigo at nakita ko siyang nakikipag-usap sa kung sino man doon. Naupo lang din ako sa may pwesto ko at nanahimik. Isang oras pa bago magsimula ang trial kaya kaunti pa lang ang tao sa loob. Mamaya pa ang dating nila Dad dito mula sa kulungan and Iñigo assured me he's safe dahil kasama nito ang mga tauhan niya.

Napag-usapan na namin ni Iñigo ang mga gagawin ngayong hearing, we talked about what I can do today, what my role was and the possible things that will be tackled this day. Tinuro niya sa aking kung paano tatakbo ang mga pangyayari at maging si Dad ay kinausap na namin.

Alam ko ring nagpakalat ng tauhan si Iñigo para sa kaligtasan namin at sinabi niya rin sa akin na isa sa mga tao rito mamaya ay tauhan niya.

"Stay here, baby, may kakausapin lang ako."

"Saan ka?"

"Diyan lang, h'wag kang aalis, huh?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nakita ko ang tingin niya sa may leeg ko kaya napatingin ako roon.

"I just remembered, where's your necklace?" tanong niya sa akin habang sinisipat ang leeg ko. Natigil naman ako at napahawak sa leeg ko.

He was asking for the necklace that he gave me when we stayed at his condo, 'yong may tracker na nakakonekta sa phone niya.

"Nasa unit siguro, hindi ko maalala. Tinanggal ko ata dati," I answered. He sighed at ipinatong ang kamay sa ulo ko.

"Sabi ko kasi sa 'yo h'wag mong tatanggalin."

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon