Chapter 14

91.8K 3.6K 381
                                    


"Oh my gosh! Buti tapos na tayo," Katrina said after our presentation. "Mukhang okay naman ang reactions ng classmates natin pati ni Sir. Buti na lang."

Nakapagpresent kami nang maayos at buti na lang ay magaling magsalita si Katrina. I reported the first part, from the history up to their beliefs and introduction to culture. The rest was her part. Overall, we did good.

Pagkatapos ng class ay agad kaming lumabas at ang bigat ng bag ko dahil dala ko ang laptop ko pati na rin ang ilang readings.

"Sa tingin mo, mataas ang makukuha nating grade sa reporting?" tanong niya habang naglalakad kami sa corridor.

"I don't know. Bahala na," sabi ko na lang dahil nagugutom na ako. Hindi ako nakapaglunch dahil sa pagpeprepare sa presentation namin kanina.

"Sana lang ay ma—!"

Bigla naman siyang napahinto at nakatingin lang siya sa harapan namin kaya napatingin din ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagkakita ko kina Queenie at Iñigo na ngayon ay papunta sa direksyon namin. Ang ganda naman ng timing. Bwisit.

Sakto namang napatingin dito si Queenie at nagtama ang mga mata namin. Tuluy-tuloy lang silang naglakad at gano'n 'din sana ang gagawin ko pero pinigilan ako ng Katrina na 'to.

"What are you—"

"They're here. They're here," bulong niya.

"Hi, Chloe," bati ni Queenie habang nakangiti kaya naman inirapan ko siya.

"It's so not nice to meet you," I replied while smirking and Katrina tugged my arm so I glared at her.

"Chloe . . ." Iñigo has a worried look on his face and that made my brow arch.

"What? She said hi. I said hi in my language."

Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Queenie sa akin. She hugged me and that really surprised me.

"Don't worry. Iñigo already explained everything to me," she whispered. "But I hope we won't see each other again," saka siya humiwalay sa akin.

"Sure," sagot ko naman. "And don't you dare show your faces to me, too."

"Yeah, let's do that," she said while smiling. "Let's go, Iñigo."

Nilampasan nila kami at ako naman ay huminga nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Akala ko hindi ko na sila makikita pagkatapos ng nangyari sa cafe pero mukhang hindi mangyayari 'yon.

"Totoo nga ang sinasabi nila," Katrina said, enthralled.

"Ha?" Lumingon naman siya sa akin.

"Ah, w-wala."

Nagsimula naman siyang maglakad pero nakita ko ang pamumula ng mukha niya. I suddenly realized what she meant by that. When I was talking to Queenie a while ago, she was stealing glances at Iñigo and with her reaction just now, it only meant one thing.

"Hey," tawag ko at naglakad papunta sa kanya.

"Hmm?"

"Do you like him?" Pagkatanong ko no'n ay nanlaki ang mga mata niya.

"W-what are saying? N-no. It's not . . . no, I d-don't like him," sabay yuko niya.

"I didn't say any name, though," I teased and her face became cherry-red.

Naghiwalay naman kami dahil may class pa raw siya at ako naman ay dumiretso sa cafeteria dahil gutom na ako. Pagdating ko ro'n ay umupo ako sa bandang gilid kahit na wala namang masyadong tao dahil 2:30 na. Nilabas ko naman ang lunchbox ko. Yeah, sabi ni Nanay Meling ay magbaon na lang din ako para naman healthy ang kinakain ko. Sus, siguro ay dahil nagbabaon na rin si Jazer kaya gusto niyang magbaon na lang din ako para makain namin ang niluto niya.

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon