Ang Kursong hindi ko Inakala [32]

7.5K 117 27
                                    

Ang Kursong hindi ko Inakala

Chapter 32

        Isang linggo na ang nakakalipas noong mangyari ang isang nakaw na halik na ginawa sa akin ni Jasper. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan at sa bawat araw na aking maaalala'y kakaibang saya ang naidudulot nito. Saya na ngayon ko lang naranasan. Saya na nagbigay pag-asa na ipaglaban ko ang pagmamahal ko para kay Jasper. Hindi ba ginagawa ko lang ito para makalimot? Para gawing panakip butas sa sakit na nararamdaman na ginawa ni JL? Pero sa tingin ko hindi dahil alam kong mahal na mahal ko si Jasper. Pinapangunahan lang ako ng takot na baka ma-reject at mali ang akala kong mahal niya din ako. Na para bang isang ilusyon nalang ang maging kami.  Mag-iisang buwan na mula noong ipaalam sa amin ang aming thesis at sa wakas ay natapos na kami. Sa paggawa namin ng thesis ay minsa'y naiilang ako dahil sa mga kakaibang ikinikilos nito. Napaka-sweet at laging naglalambing at nagpapa-cute. May pagkakataong nagre-research ako sa laptop tapos maya maya ay lalapit sa akin dala dala ang isang slice ng cake at sinusubuan ako. May pagkakataon ding susunduin niya pa ako sa bahay para lang makapag-bonding kami at paguwi'y may regalo siyang tsokolate at bulaklak. Para akong isang babae sa ipinapakita ni Jasper, isang babae na gustong gusto niyang maging kanya at maging nobya ngunit papaano matutupad ang gusto niya kung hindi niya sakin sasabihin at kung may karelasyon pa siya? "Jasper! Uminom naman tayo!" aya ko sa kanya noong matapos ang aming thesis. Nakita ko ang naging reaksyon ni Jasper noong sinabi ko iyon. Gulat na gulat at hindi makapaniwala na ako ang nag-aaya.

"Sigurado ka?" tanong nito sa akin na halata ang pagaalala.

"Oo naman! Hirap na hirap tayo sa punyetang thesis na yan kaya oras naman nating magsaya." sagot ko dito.

"Okay. Saan mo ba gustong uminom?" tanong nito.  "Kahit saan!" saad ko.

"Sige. Magbibihis lang ako tapos alis na tayo. Gamitin nadin natin iyong kotse ni Mama para mas mabilis tayong maka-alis." wika nito, tumango nalang ako bilang tugon.  Nang makapag-ayos na si Jasper ay agad din kaming umalis gamit nga ang sasakyan ni Tita. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at nag-aya akong uminom. Ewan ko pero parang gusto ng utak ko na makalimot at sumaya naman kahit papaano. Pero kabaligtaran ang naging emosyon ko nang makarating kami ni Jasper sa Bar na pag-iinuman namin.                                                    

Ito yung Bar kung saan nagpunta kami ni JL at hinandugan ng isang kanta na labis kong ikinatuwa. Ito yung comedy bar kung saan masaya kaming dalawa at walang mapagsidlan ang aking tuwa.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nag iba ang ugali ni JL. Na kahit sa aking panaginip ay hindi ko naisip na mag-iiba siya. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit hindi ko pa din nakakalimutan ang mga masasakit na ginawa niya sa akin. Ang pagtataksil. Ang pagsisikreto. At ang pagdurog sa puso kong walang ibang ginawa kundi mahalin siya ng lubos. Siya lang ang lalaking nagbago sa aking pagkatao at tinuruan ang puso kong magmahal ng lubos.

"May problema ba Paul?" tanong ni Jasper sa akin noong makitang malungkot ako.

"A-ah W-wala! May naalala lang ako. Tara na!" sagot ko. Ngumiti lang ito kasabay ang isang tango bilang pag-sang ayon.  Nang pumasok kami sa Comedy Bar ay nag-uumpisa ng magpatawa ang mga stand-up comedian at mukhang masasampolan kami ng pang-ookray nito.

"Hoy! Poging nakapula! Halika dito samahan mo naman ako!" bungad na pagsasalita ng komedyante at tumutok ang spot light sa amin ni Jasper. Napangiti lang si Jasper dahil siya ang sinasabing pogi.  "Ako?" tanong ni Jasper.

"Ay sino pa nga ba? Ang pogi pogi tapos bingi pala. Syempre ikaw!" pang-ookray ng komedyante at lahat ng tao ay nagtawanan, maging ako at si Jasper ay napatawa.

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon