Third Person.
After calming himself by hugging Uzziah, he finally has the gut to continue the fight. Pahinga lang saglit, tapos laban ulit.
"Go, Aezi." Mahinang sambit nito. "Nandito lang ako."
Tumango ang huli at pumunta na sa templo. Doon niya nakitang kanya-kanyang upo ang Supremes sa lapag at lahat pagod. They all look at him pero nanatili itong walang emosyon at walang imik.
He's mad.. really, really mad. That even Hanz lose the gut to talk to him.
"Sigurado ba kayong nasa tamang lugar tayo?" Aria innocently asked.
"Yes. Kailangan lang nating maghintay, Aria." Sagot ni Hanz, na nakaupo din at parang magpapahinga.
Napatayo nalang sila ng biglang lumitaw sa pinakagitna ng templo ang isang maliit na daga. Kunot-noo ang tingin ng Supremes dito, maliban kay Aezi na alam kung ano ang nangyayari.
"Maligayang pagdating.." sambit niya. Agad na nagbago ang anyo nito, mas lumaki siya kumpara sa isang normal na daga.
Kasing laki ng Aso, nakakatayo at nakakapaggesture ng kamay. Come to think how funny the scene was, they--- Supremes, talking to rat? The heck?
"Wala ba tayong makakausap na matino?" Inis na sambit ni Nikyla. Dumako ang tingin ng daga sa kanya.
"Isang alay para sa binhi na inyong kailangan." Sambit ng daga.
"Alay? Anong alay nag pinagsasabi mo?" Hinawakan ni Hanz ang braso ni Nikyla para mapatahimik ito sa mga susunod pa niyang sasabihin.
"Isang buhay." Naglakad paikot ang daga.
Hindi maitago ni Cyrill ang pandidiri habang nakatingin dito. She hates rat. And seeing a rat bigger than a normal rat, and even talking to them makes her lose her mind.
"Isang buhay para sa binhi? Come on, let's be professional here. Hindi naman kailangan na maging ganito pa. Ibigay mo nalang ang kailangan namin, para makaalis na kami." Walang prenong sambit ni Allyrie.
"Matabil ang dila ng mga taga labas." Nasisiyahang sambit ng daga. "Bakit ko pagbibigyan ang hiling ng isang taong hindi marunong gumalang?" Umirap si Nikyla.
"Isang buhay. Bigyan niyo ako ng isang buhay para maibigay ko sa inyo ang binhi." Matigas na sambit nito.
"We're from Miraculous. Kailangan namin ang binhi para mailigtas ang buong Miraculous. Kailangan ng panibagong Magical Tree na magsusuply at susuporta sa mystic ng lahat." Magalang na sambit ni Hanz.
Tiningnan siya ng daga.
"Miraculous." Tumango siya. "Bakit kakailanganin pa ng isang lugar na sira na ang binhi?"
"Sira? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Jaye Shi.
"Hindi niyo na alam? Wala na ang Miraculous. Punong-puno na ito ng mga huwad at traydor. Para saan pa't ipaglalaban ang lugar na siyang pagmamay-ari na ng itim na nilalang?"
Hindi nakapagsalita ang mga ito. Ang tanging tumatakbo lang sa isip nila ay si Uzziah at ang pamilya nito.
"Ahh, that bitch." Napahawak sa sintido niya si Nikyla. Hindi umimik si Aezi. Batid niya ang mga senaryo na tumatakbo sa isip ng kasamahan.
Kung paano nila sisihin si Uzziah. Kung paano nila punain lahat ng pagkakamali nito. Naikuyom niya ang kamao.
"Gusto mo ng isang buhay bilang sakripisyo?" Ngumisi si Nikyla ng tumango ang daga. "Si Uzziah."
YOU ARE READING
Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]
Fantasy"Distant and Cold: if she were a season, she will be an endless winter without the hope of spring" Thanks @Rittsua for the awesome book cover ♡