Chapter 111

1M 35.8K 29.9K
                                    

TY

Aries's POV

Dumating na sila Mama. Aware na kami sa balita nila. Hindi na nakabawi yung company namin sa Guam at napilitan na silang ibenta yun.

"Anu ng balak?" I ask them.

No one dare to answer. Even Dad (Tito Julz) who have more experience on working in a company, can't even answer.

"I don't know..." Kuya Angelo start. "...Pati company natin sa Singapore nagkaka-problema na."

Shit!

Anu nalang mangyayari samin nito? Saan na kami pupulutin?

"How about are partnership with DENSE Korea?" Dad ask.

"They're backing out." Mabilis na sagot ni Kuya.

Were doomed.

Narinig kong bumukas ang gate. Dumating na si Jay-jay. Nakangiti pa syang pumasok.

"Hi Jay!" Mom greeted her and smile.

"Andito na kayo? Welcome Home!" Sabi ni Jay-jay at yumakap kay Mom.

"Ginabi ka yata... Nakipag-date ka no?" Pag-aasar ni Dad.

I know they are all trying to light up the mood. Ayaw din nilang ipaalam kay Jay-jay yung mga nangyayari.

"Hindi po! Nagpatulong lang sakin si Yuri. Kayalang na-flat po yung gulong ng kotse nya kaya natagalan kami." Paliwanag nya.

Suddenly, Kuya Angelo's expression change. Like he just realize something.

"Jay..." Tawag nya kay Jay-jay. "...Umakyat ka muna sa kwarto mo. Meron lang kaming pag-uusapan."

Kahit nagtataka, ginawa pa rin nya. Mabilis syang tumakbo paakyat ng hagdan papunta sa kwarto nya.

Narinig pa namin ang pagsara ng pinto ng kwarto.

"Is there a problem Kuya?" I ask.

"The Hanamitchi's... They offer a business deal before." Paliwanag nya. "...but it involve Jay-jay."

I knew that moment what he's talking about. Kung anu mang binabalak ni Kuya, hindi ko yun gusto.

Jay-jay's POV

Oh ha! Dami kong chocolate. Umuwi na kasi sila Tita Gema and Tito Julz. Syempre may pasalubong ako. May mga bago ding gamit, kagaya ng sapatos at damit.

Pero chocolate lang talaga yung gusto ko.

Pagpasok ko sa room. Bumungad sakin si Ci-N. Alam nya kasi na may balik bayan sa bahay kaya hindi mawawala yung chocolate.

"Parang ang sarap ng chocolate ngayon." Parinig nya.

Tinakpan ko yung tenga ko at agad na naglakad palapit sa pwesto ko. Pero hindi ako tinantanan ng luko.

"Lalu yung galing Guam!" Malakas nyang sabi.

Pag-upo ko sa pwesto ko, tinignan ko sya ng masama. Inaagaw nya kasi yung atensyon nung iba.

"Mamigay ka! Damot mo ah!" Sabi nya sakin.

Ay wow!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon