WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.
***
Dinala na ako nina Jed sa kwarto ni Josh. Ayun. Tulog pa rin siya. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang awayin. Gusto ko siya batukan. Gusto ko siyang paluin. Pero kahit isa sa mga yun, hindi ko magawa. Masyado akong nalungkot sa mga nangyari e. Kung kailan ayos na sana ang lahat saka naman siya bumigay. Hay. Bakit ba hindi na lang pwedeng masaya na lang agad ang lahat?
Tinitignan ko lang siya. Kitang kita sa mukha niya yung pagod, lungkot at pagaalala. Dahil ba sa akin kaya siya nagkaganito? Malamang lamang oo. Ako lang naman yata ang nakapagpabago sa ugali niya e. Ako lang din naman yata yung minahal niya ng totoo. Hindi sa makapal yung pagmumukha ko ah. Pero nung mga panahong naiwan si Josh sa kwarto ko, narinig ko ang lahat ng sinabi niya.
Oo. Nakabalik na ako sa matinong pag-iisip nung mga panahong yun. Sadyang ayaw ko lang munang gumising ng todo kasi baka biglain nila yung katawan ko. Baka kung ano pang mangyari sa akin e. Pinigilan ko lang din yung pagtulo ng luha ko kasi baka mahalata nila. Aaminin ko, gusto ko na sana siyang kausapin nun e. Kaya lang, inisip ko na may tamang panahon para dun. Kaso dahil sa mga nangyari sa kanya, parang mas mabuti pa yata kung kinausap ko na siya agad.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Nagmumuni-muni lang muna ako. Nag-iisip ng kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Kung ano ba ang dapat kong gawin. Ang dami kong gustong sabihin pero di ko alam kung saan magsisimula. Dapat bang humingi muna ako ng patawad sa kanya o dapat bang sabihin ko agad kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Naguguluhan ako.
Nung nakapagpasya na ako kung ano ang dapat kong sabihin, hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan ko yung mukha niya. Huminga ako ng malalim at nagsimula na ako sa aking "litanya".
"Josh, salamat ah. Salamat kasi di mo ako iniwan kahit na wala kang pinanghahawakan sa kung ano man ang meron tayo. Salamat din kasi minahal mo ako. Hindi ko man naipakita, pero may lugar ka talaga sa puso ko. Pasensya ka na pala kung nung una tayong nagkita, inaway na agad kita. Sadyang ayaw ko kasi sa mga katulad mong maangas at akala mo kung sinong umasta e. Pero hindi ko alam kung bakit pa ako nahulog sa isang katulad mo.
Alam ko naman na mali yun e. Kaya lang, yun talaga yung sinisigaw ng puso ko. Ayaw ko man sanang sundin yun, kaso sa bawat araw na magkasama tayo, lalo lang ako nahuhulog sa'yo. Pasensya ka na rin pala kung di man lang kita hinayaang magpaliwanag nung nakita kitang may kaanuhang iba. Masyado lang akong naguluhan. Hindi ko alam kung anong dapat gawin e. Ganun yata talaga pag nasasaktan ang isang taong nagmamahal.
Oo. Tama yung narinig mo. Taong nagmamahal. Hindi ko alam kung bakit pero napamahal ka na talaga sa akin e. Ang tanga tanga naman kasi ng puso ko e. Sa isang katulad mo pa nahulog. Pero kahit pala mali yun, masarap pa rin sa pakiramdam. Hay. Napakatanga ko talaga.
Sana naman magising ka na. Gusto na ulit kitang makausap e. Ang dami ko pang gustong sabihin sa'yo. Ang dami kong gusto itanong. Ang dami kong gustong gawin. Josh, sige na naman o. Gumising ka na. Kakantahan na lang muna kita. Sana pagkatapos ng kantang 'to, gising ka na. Hehe. Ang sama ko ba? Sensya ka na ah. Gusto na talaga kasi kitang makausap e. O siya. Eto na yung kanta.
Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Gumising ka na Josh. Gusto ko pag sinabi ko kasi sa'yo yun, gising ka na e. Hangga't di ka gumising, di ko sasabihin yun. Sige, balik na alang ako dito mamaya ah. Sana pagbalik ko gising ka na."
Paalis na sana ako ng kwarto nung biglang naramdaman ko na may humawak sa braso ko. Paglingon ko kay Josh, gising na siya! Narinig kaya niya lahat ng sinabi ko?
"Bakit aalis ka na agad? Di ba may sasabihin ka pa sa akin?" Biglang tanong ni Josh.
"Ha?"
"Narinig ko e. Sabi mo may sasabihin ka pa sa akin pero kailangan gising na ako. Ayan. Gising na ako. Pwede mo ng sabihin. Makikinig ako. Ay teka lang. Ang ganda pala ng boses mo. Sana lagi mo na lang akong kinakantahan. Hehe." Potek. Narinig nga niya yung mga pinagsasasabi ko. Nakakahiya naman 'to o. Akala ko pa naman ako lang yung nandaya. Siya rin pala mandaraya.
"Ah, e."
"O. Bakit wala ka ng masabi ngayon? Ang haba haba na ng sinabi mo kanina e. Ano na nga kasi yung sasabihin mo?" Waa. Sige na nga. Sasabihin ko na sa kanya. Kahit na nakakahiya talaga kasi. Ah. Ewan.
"Sige. Sasabihin ko na. Gustokolangsabihinnaminahalkitanoonathanggangngayonmahalparinkita." Dirediretso kong sagot sa kanya.
"Teka lang! Di ko naintindihan e. Dahan dahan naman."
"Sabi ko, minahalkitanoonathanggangngayonmahalparinkita." Sabi ko sa kanya pero dirediretso pa rin.
"Isa pa nga."
"Ako ba pinaglololoko mo ha? Ilang beses ko ng inuulit e."
"Gusto kong makasiguro kung tama yung pagkakarinig ko e."
"Oo na. Di ko na uulitin pagkatapos nito ah. Ang sabi ko, minahal kita noon at hanggang ngayon mahal pa rin kita."
"Ay sus. Halika nga rito!" Hinatak ako ni Josh kaya napahiga ako sa kama niya. Niyakap niya ako tapos ewan ko ba, niyakap ko rin siya. Ayaw ko sana siyang tignan kaya lang inangat niya yung ulo ko tapos tinignan niya ako.
Hindi siya nagsasalita. Hindi rin ako nagsasalita. Nagtititigan lang talaga kaming dalawa. Pero may napapansin ako. Parang papalapit ng papalapit yung mukha ni Josh sa mukha ko e. Teka lang. Ano bang plano niyang gawin? Sobrang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako pumipikit baka kasi sabihin niya kung anu-anong iniisip ko e.
Nung nararamdaman ko na na malapit na talagang magkadikit yung mga labi namin, bigla niya akong hinatak lalo sa kanya. Eto na talaga. Hinalikan na niya ako. Nararamdaman ko na umaakyat na yung dugo sa pagmumukha ko. Waa. Josh naman kasi e!
Mayamaya tumigil na siya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Tapos nung nagsalita siya."Mahal na mahal kita. Lagi mo yang tatandaan. Masaya ako kasi hindi ako nawala sa puso mo. Dahil sa mga sinabi mo, ibig sabihin ba nun tayo na ha?"
"Oo na lang. Hehe."
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig
Teen FictionMinsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling panahon, maling lugar at sa maling nilalang? Itutuloy mo pa rin ba ang laro o ititigil mo na? *** S...