WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.
***
Nung pumasok na talaga sa sistema ko kung ano na ang kalagayan ko, tumulo na rin ang luha mula sa mga mata ko. Pero kahit na ganun, pinilit kong hindi makagawa ng kahit na anong eksena na makakukuha ng atensyon ni Kokey. Ayaw ko kasing malaman niya yung sitwasyon ko e. Kaya naman kinausap ko yung mga tao sa kwarto ko.
"Isang bagay lang ang ipapakiusap ko sa inyo. Wag na wag niyong sasabihin kay Josh ang kalagayan ko. Utang na loob."
"Pero may karapatan din naman siyang malaman yun di ba?"
"Pia, wala siyang karapatang malaman yun. Wala na siya sa buhay ko kaya hindi na niya kailangang malaman." Sa totoo lang, ang rason kung bakit ayaw kong malaman ni Kokey ang kalagayan ko kasi ayaw kong maawa siya sa akin. Ayaw kong yun ang maging dahilan kung bakit makakabalik siyang muli sa buhay ko. Gusto ko na ng tahimik na buhay at mangyayari lang yun pag wala siya sa buhay ko.
"Sige. Naiintindihan ko. Umasa ka na hinding-hindi makakarating kay Josh ito."
"Hindi makakarating ang alin?" Biglang tanong ni Josh pagpasok niya ng kwarto.
"Ha? Wala yun." Nauutal na sagot ni Pia.
"Ano nga kasi yun e?" Pagpipilit ni Josh. Buti na lang at sumagot na yung isa sa kaibigan niya.
"Wala lang talaga yun pare. Wag mo na lang isipin."
"Tss. Oo na. Hindi ko na iisipin. Aalis na ba kayo? May pupuntahan pa ako e."
"Ha? Oo. Paalis na kami. Missy, pagaling ka ah. Sana makapasok ka na bukas."
"Hindi pa daw pwede e. Sa isang araw pa raw ako makakapasok ulit."
"Sige. Aasahan kita sa isang araw ah. Ingat ka palagi."
"Sige. Ingat din kayo." At umalis na nga sila. Buti na lang at nakalusot talaga kami kay Kokey. Umalis na rin sa Paul kasi daw mamaya na yung alis niya papaunta sa lugar na hindi naman niya sinabi sa akin. Hay. Sana nga mahanap niya yung sarili niya kung saan man siya pupunta.
Matutulog muna sana ako kaya lang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang bisita o bwisita ko? Malamang lamang hindi ko kamag-anak yun. Kasi kung kamag-anak ko yun, didiretso naman yung dito sa loob e. Sino kaya ang nilalang na nasa labas ng mahiwagang pinto?
"Pasok." Sabi ko.
"Kamusta ka na?" Nahihiyang tanong nung lalaki sa may pintuan ng kwarto ko.
"Ikaw? Paano mo nalaman na nandito ako? Saka bakit ka nandito? Hindi naman tayo magkakilala ng lubos e."
"Di ba sabi ko sa'yo babantayan kita palagi? Kaya eto, binibisita kita."
"Teka lang. Ibig sabihin, ikaw yung nagpapadala nung mga sulat at regalo sa akin dati?"
"Oo. Ako nga. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ng harapan ah."
"E? Ikaw na isa sa pinakasikat sa paaralan, ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ang isang katulad ko? Bakit naman?" Oo. Isa siya sa pinakasikat sa pinapasukan ko. Kapitan ba naman sa isa sa mga larong pampalakasan e. Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit siya nagkagusto sa akin. Kung bakit hindi agad siya nagpakilala sa akin. At kung bakit gusto niya pumasok sa buhay ko na ubod ng gulo.
"E kasi naman, nakakahiya mang aminin, natakot ako noon. Alam naman natin kung anong kayang gawin ni Josh at nung mga panahong nagpapadala ako ng mga sulat sa'yo, nanliligaw siya sa'yo."
"Ah. Kaya pala. Salamat pala sa pagdalaw ah. Salamat na rin dun sa mga sulat at regalo." At nag-usap lang kaming dalawa. Masaya siyang kausap. Hindi ako nababagot pag kausap ko siya. Iniisip niya rin kung ano ang nararamdaman ko. Malaking malaki ang pagkakaiba nila ni Josh. Ay! Teka nga lang. Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Wala naman na sa buhay ko si Kokey ah.
Sa wakas, nakaalis na rin ako ng ospital. Nakapasok na rin ako ng eswelahan. Hindi ko pa rin pinapansin si Josh kahit na madalas, nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Oo alam kong hindi ko siya makikitang nakatingin sa akin kung hindi ko rin siya tinitingnan pero. Hay ewan. Hindi ko talaga mapigilan e.
Lumipas ang mga araw at ganun lang ang nangyayari. Pero bawat araw, gumaganda ang mga nangyayari kasi madalas na kaming magkasama ni Ralph. Kahit na ang samang makatingin ni Josh sa amin, hindi ko pa rin yung pinapatulan. Hanggang sa isang araw, hinarang ako ni Josh.
"Missy, mag-usap nga tayo."
"Aba! Talaga naman o! Ayos ka rin e. Ikaw na nga 'tong may kailangan sa akin, ikaw pa 'tong may ganang umasta ng ganyan."
"Kayo na ba nung Ralph na yun ha?"
"Ano bang pakialam mo ha? Wala ka namang pakialam sa akin di ba? Wala ka naman na sa buhay ko e! Baka nakakalimutan mo, pinaglaruan mo lang ako at tapos na yung laro mong yun!"
"T@ng!na naman o! Pwede ko naman kasing ipaliwanag sa'yo yung nangyari dati e. Ikaw lang 'tong sinasara yung utak at tenga mo!"
"Hindi mo naman na pwedeng ibalik yung mga pangyayari e. Nakita ko ang nakita ko! Kaya pwede ba tigilan mo na a-" Sumikip yung dibdib ko. Mukhang inaatake na naman ako. Bakit ngayon pa? Hindi niya pwedeng malaman e! Kaso di ko na kaya....
"Missy! Missy! Anong nangyayari sa'yo?! Missy! Gumising ka!"
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig
Teen FictionMinsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa maling panahon, maling lugar at sa maling nilalang? Itutuloy mo pa rin ba ang laro o ititigil mo na? *** S...