FIFTY EIGHT

107K 2.6K 1.2K
                                    

Hinila ako ng kamalayan sa naramdamang mga pagdampi sa labi ko. Magaan, malambot at paulit-ulit. Binilang ko ang agwat kung kailan ito dumadampi ulit. One, two, three seconds, then he kisses again and repeats.

Hinawi niya ang tumatakip na mga hibla ng buhok sa aking mukha. Muli siya humalik at pinatagal. He slightly bit my lower lip before nibbling it like a chewing candy.

Nagtataka akong nagmulat. Kinurap ko ang mga mata upang alisin ang panlalabo hanggang sa luminaw sa paningin ko si Jaxon.

Antok siyang ngumiti. "You're alive."

I was slightly confused seeing how his face morphed into relief. Para bang kanina pa siya nagaantabay na maggising ako. Dinamdam pa yata niya ang mga nalaman. I couldn't blame him. It even took almost a year before it sank in to me that I was within an inch of my own life.

I noticed he's sans shirt and only in his boxers. Nagmukha akong manyak na walang hiyang pinasidahan ang kabuuan niya. He looks better without clothes. Naku Davina, umagang-umaga!

Kinamot niya ang kanyang dibdib at nakita ko ang pamumula niyon. His face descended, pushing himself for another kiss. Mabilis kong inatras ang aking ulo at tinakpan ang bibig. Umiling ako.

"What?" Mukha siyang nairita.

Muli akong umiling. Dali kong nilisan ang kama at tinakbo ang banyo upang makapaghilamos at sipilyo. I could never imagine the horror of my morning breath! Si Woodrow nga ay hindi ako nilalapitan.

Pinagimpake ako ni Jax kagabi at dito ako dinala sa condo niya. Kaunti lang ang dinala ko. Just toiletries, some clothes at ang laptop. Bawal ang pets kaya naiwan si Woodrow sa shop.

Hindi ko masabi kung ilang araw akong mananatili. Gusto niya raw kasing ako ang madadatnan niya sa kanyang pag-uwi. Nairapan ko siya nang sinabi niya iyon, yet deep inside, ginusto ko rin iyon.

Humiga siya nang maayos nang bumalik ako sa kama. Gumapang ako sa ibabaw niya at doon pinagpatuloy ang pagtulog ko. He felt so warm and comfortable against me I might consider his body as my new bed.

"I have plans of locking us up in my room for the entire lifetime," garalgal ang boses niyang sabi.

Sinuot niya ang kamay sa ilalim ng tank top ko at hinaplos ang aking likod. My stomach clenched at his whispery kind of touch. He kissed the top of my head.

Pinagpatong ko ang mga kamay sa kanyang dibdib at nilagay roon ang aking baba. Tinignan ko siya. "Anong gagawin natin?"

Dinungaw niya ako. Makahulugan siyang ngumisi. "Tinatanong pa ba iyan, Vin?"

Hinampas ko siya sa braso. Naanod ako sa pagtaas baba ng dibdib niya habang humahalakhak.

"We both have a job, Jaxon," namomroblema kong sabi. "We got bills to pay. Kung hindi tayo lalabas dito at magtrabaho upang magkapera, ano na lang ang ipapakain ko sa mga anak natin?"

Naging panggatong ang sinabi ko sa kanyang kaaliwan. He cradled my head in one arm ang bury it in his chest. Dumikit pa rin doon ang pabango niya na mula pa kahapon.

Ang pagbibiro ko sa mga ganitong bagay ay iyon pa mimso ang nagtulak sa aking tanawin ang hinaharap. Me with babies, and Jaxon as the father. Parang ang hirap paniwalaan. I couldn't at the least foresee myself as a mother maybe because of what I'd been through with my own. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ko na iyon gugustuhin. Siguro lang, hindi ako magiging handa. But aren't we all not prepared for these kind of things?

If that time would come, I don't want to swear but I'll do my best as I could to be a good mother. Ano pa't naging si Jaxon ang ama kung hindi rin ako magiging katulad niyang ehemplo? I know Jax would be a good example as a father. So I should be a good example as a mother, even when I wasn't being a good example as a child.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon