Chapter 28

1.1M 47.1K 30.9K
                                    

Tanda

Yuri's POV

"Ang yaman nyo pala.. Buong building sa inyo. Sino naman nagpatayo ng bahay na to dito sa rooftop?" Tanung ni Jay-jay.

"Si Tanda, gusto daw nyang maramdaman na hindi sya malayo sa home town nya kaya pinatayo nya to." Sagot ko.

"Ahh, Nasan pala ang parents mo?" Tanung nya ulit.

"Nasa Japan, inaasikaso yung business namin don." Sagot ko.

"Bakit hindi kita naririnig na mag-Japanese kung Hapon ka naman pala?"

"Nasa Pinas ako kaya hindi naman kailangan na all the time mag-Japanese ako."

"Natural ba yang kulay ng buhok mo?"

"Hindi."

"Ginagaya mo si Sakuragi ng Slamdank?"

"Parang."

"Kamag-anak mo ba sya? Pareho kayong Hanamitchi."

"Hindi naman tao si Sakuragi."

"Ay oo nga pala. Eh blah.. blah.. blah.."

Kanina pa sya ganyan. Tanung dito, tanung doon. Sinasagot ko nalang para hindi sya ma-bored. Baka kasi maisipan pa nyang lumabas at mahuli sya ni Tanda.

Sermon ang aabutin ko dun. Baka isipin na girlfriend ko tong babae na to. Ang alam ko bumalik sya ng Japan pero, bakit andito pa rin sya sa pinas?

Kala ko solo ko na yung bahay.

"Marunong ka gumawa ng sushi?" Tanung na naman nya.

Bakit ba ang daldal nitong babae na to? Nakakarindi nga talaga sya.

"Hin---" Napahinto ako.

Late ko na kasi napansin na nakatitig pala sya sakin habang nakangiti. Nakadapa sya sa kama ko at nakapatong ang baba sa dalawang kamay nya.

Napaiwas ako ng tingin at kuwaring may inayos sa study table ko, kung saan ako nakapwesto.

Bakit ganito? Bigla nalang ako nakaramdam ng hiya. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito kanina.

"Alam mo.. Binabawi ko na yung sinabi ko, magka-iba pala kayo ni Keifer."

"What do you mean?" Tanung ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Madali ka lapitan at kausapin." Sagot nya.

Shit! I let my guard down. Mabilis akong naging kompartable at nalibang. Nakilala na ko ng babae'ng to agad.

Yeah... She's right. Hindi naman talaga kami pareho ni Keifer. Hindi naman ako stubborn or hot headed na kagaya nya. I'm approachable and friendly, but that was all before.

Before Ella hurt me. Hindi nya ko nagustuhan ng dahil sa kung sino ako. Kaya binago ko ang sarili ko hoping that she'll notice me.

She never did and never will.

Bakit ba mas gusto ng mga babae ang bad boy? Kagaya ni Keifer.....

...At Aries.

"Mas gusto ko yung ganyan sayo." Jay-jay said.

I don't know why, but those words gave a huge impact to me.

Posible bang.....

Nilingon ko si Jay-jay na kasalukuyang pagulong gulong sa kama ko. I'm about to open my mouth to speak but someone knock on my door.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon